22/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐ ๐๐๐ง๐ฌ๐๐ง ๐
๐๐๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฒ ๐๐ง๐ข๐จ๐ง ay buong-pusong nagpapahayag ng aming pakikiisa at matibay na suporta sa panawagan ng For the Protection of SOCOTECO II MCOs (COPS-MCOs) sa pamumuno ni Bro. Manuel V. De Leon, FMS.
Bilang mga akademiko at mamamayan ng General Santos City, naniniwala kami na ang SOCOTECO II ay hindi lamang isang simpleng pampublikong serbisyo, kundi isang kooperatiba na pagmamay-ari ng bawat Member-Consumer-Owner (MCO). Dahil dito, ang anumang desisyong magtatakda sa kinabukasan nito ay dapat sumailalim sa prinsipyo ng katapatan, katarungan, at tunay na partisipasyon ng kasapi.
Hinihikayat namin ang buong komunidad ng MSU Gensan, ang aming mga kasamang g**o, mag-aaral, at lahat ng MCOs na tumayo, makialam, at makiisa sa gaganaping Prayer Rally sa Agusto 29, 2026.