20/02/2026
Sa iyong pagpanaw, iniwan mo sa amin ang katahimikang puno ng alaala. Hindi man araw-araw makita noon, araw-araw naman naming maaalala ngayon. Ikaw ay naging kaibigan na marunong makinig, umunawa, at magmahal nang tahimik ngunit totoo.
Maaga kang nagpahinga, ngunit ang iyong kabutihan, ngiti, at mga alaala ay mananatiling buhay sa aming mga puso. Salamat sa mga sandaling pinagsaluhan natin sa tawanan, sa tahimik na pagdamay, at sa mga aral na hindi kailanman mawawala.
Paalam, kaibigan. Hindi ito pagtatapos, kundi isang pangakong hindi ka namin kakalimutan. Magpahinga ka na sa kapayapaan.
RIP bruh :( Nhil Acompañado
-AMC Gensan