SK GenSan City

SK GenSan City The Official Account of SK Federation of General Santos City. For partnerships, reach us at [email protected]

Our water filters have arrived!Once we are done with the orientation, SK GenSan will head to remote and far-flung areas ...
17/06/2026

Our water filters have arrived!

Once we are done with the orientation, SK GenSan will head to remote and far-flung areas with limited access to clean water.

We thank Waves For Water Philippines for providing 30 water filters, SK Lagao for transporting them from Davao to General Santos City, and SK Barangay Dad. East for providing temporary storage.

For GenSan resident, if your barangay has no access to clean water. Feel free to message us so we can consolidate requests.

๐—›๐—ฎ๐—ฝ๐—ฝ๐˜† ๐—ฏ๐—ถ๐—ฟ๐˜๐—ต๐—ฑ๐—ฎ๐˜†, ๐—›๐—ผ๐—ป. ๐——๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ป๐—ฒ ๐—”. ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ฎ ๐—ผ๐—ณ ๐—ฆ๐—ž ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น!The Sangguniang Kabataan Federation of General Santos City wishes y...
16/06/2026

๐—›๐—ฎ๐—ฝ๐—ฝ๐˜† ๐—ฏ๐—ถ๐—ฟ๐˜๐—ต๐—ฑ๐—ฎ๐˜†, ๐—›๐—ผ๐—ป. ๐——๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ป๐—ฒ ๐—”. ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ฎ ๐—ผ๐—ณ ๐—ฆ๐—ž ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น!

The Sangguniang Kabataan Federation of General Santos City wishes you a productive and meaningful year of service on your natal day.

May your dedication and efforts create lasting positive change and fully empower the youth in your community.


Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng SK GenSan sa lokal na pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ni City Mayor Lorelie G. Pacqui...
15/06/2026

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng SK GenSan sa lokal na pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ni City Mayor Lorelie G. Pacquiao upang maihatid ang tulong sa mga komunidad na lubhang naapektuhan ng lindol.

Ligtas na naipamahagi ang mga relief goods sa mga residente ng Calfungal, Tribal Village, at Langkasa sa Barangay Siguel. Tinatayang mahigit 266 na pamilya ang nakatanggap ng ayuda mula sa isinagawang relief operation.

Patuloy namang pinaiigting ng SK GenSan at ng lokal na pamahalaan ang paghahatid ng tulong upang matiyak na naaabot maging ang mga liblib at malalayong komunidad sa lungsod.


Sa ika-58 Charter Anniversary ng General Santos City, nakikiisa ang SK Federation sa pagdiriwang ng kasaysayan, pagkakai...
15/06/2026

Sa ika-58 Charter Anniversary ng General Santos City, nakikiisa ang SK Federation sa pagdiriwang ng kasaysayan, pagkakaisa, at katatagan ng bawat General.

Sa temang โ€œUnity and Resilience: Shaken but Unbroken,โ€ patuloy nating pinatutunayan na sa kabila ng mga pagsubok, nananatiling matatag ang diwa ng bayanihan at serbisyo.

Bilang kabataang lingkod-bayan, patuloy tayong makikiambag sa pagbangon at pag-unlad ng ating mahal na lungsod.

Maligayang ika-58 Charter Anniversary, General Santos City!


Daghang salamat for partnering with us, Sultan Exclusive Law Fraternity and Sorority!
15/06/2026

Daghang salamat for partnering with us, Sultan Exclusive Law Fraternity and Sorority!

๐—•๐—”๐—ก๐—š๐—ข๐—ก, ๐— ๐—œ๐—ก๐——๐—”๐—ก๐—”๐—ข | Patuloy ang paghahatid ng tulong ng SK Federation ng General Santos City, sa pangunguna ni SK Federat...
14/06/2026

๐—•๐—”๐—ก๐—š๐—ข๐—ก, ๐— ๐—œ๐—ก๐——๐—”๐—ก๐—”๐—ข | Patuloy ang paghahatid ng tulong ng SK Federation ng General Santos City, sa pangunguna ni SK Federation President Hon. Elijah Joanne P. Pacquiao, katuwang ang Opisina ni City Mayor Lorelie G. Pacquiao, para sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol sa Barangay Siguel.

Sa pakikipag-ugnayan sa Pamahalaang Barangay ng Siguel sa pangunguna ni Kap. Jerry Jugarap, kasama ang SK Siguel sa pangunguna ni Hon. Christian Jay Aquilam, naipaabot ang tulong sa mga apektadong komunidad mula sa Purok Cabu, Purok Changco 1A Flongkay Clan, Purok SSV, Purok DFFJ, at Purok Maltaan, na umaabot sa mahigit 500 kabahayan.

Kasama rin sa paghahatid ng serbisyo sina Hon. Ryan Jhay Lorica, Hon. John Lloyd Diamante, at Hon. Jan Mikoy Avila, na nakiisa upang mas maayos, mas mabilis, at mas direktang makarating ang tulong sa mga pamilyang nangangailangan.

๐—•๐—”๐—ก๐—š๐—ข๐—ก, ๐— ๐—œ๐—ก๐——๐—”๐—ก๐—”๐—ข | Nakiisa ang SK Federation ng General Santos City sa Sultan Exclusive Law Fraternity and Sorority ng M...
14/06/2026

๐—•๐—”๐—ก๐—š๐—ข๐—ก, ๐— ๐—œ๐—ก๐——๐—”๐—ก๐—”๐—ข | Nakiisa ang SK Federation ng General Santos City sa Sultan Exclusive Law Fraternity and Sorority ng Mindanao State University - General Santos City - College of Law sa relief distribution sa Sapu Padidu para sa mga pamilyang apektado ng lindol na patuloy na nangangailangan ng malinis na tubig at pangunahing pangangailangan.

Nakapamahagi ang Sultan Exclusive Law Fraternity and Sorority ng 200 galon ng tubig at food packs sa mga pamilyang apektado, habang ang SK Federation, kasama si Hon. Ryan Jhay Lorica ng SK Conel, ay tumulong sa transportasyon at logistics upang matiyak ang maayos at mabilis na paghahatid ng tulong.

Sa panahon ng pagsubok, mas pinagtitibay ng malasakit at bayanihan ang ating paninindigan, walang kababayan ang maiiwan.

๐—•๐—”๐—ก๐—š๐—ข๐—ก, ๐— ๐—œ๐—ก๐——๐—”๐—ก๐—”๐—ข | Naglunsad ang SK Federation ng General Santos City ng tuloy-tuloy na relief operations sa iba't ibang...
12/06/2026

๐—•๐—”๐—ก๐—š๐—ข๐—ก, ๐— ๐—œ๐—ก๐——๐—”๐—ก๐—”๐—ข | Naglunsad ang SK Federation ng General Santos City ng tuloy-tuloy na relief operations sa iba't ibang bahagi ng Sarangani Province para sa mga pamilyang apektado ng lindol.

Sa tulong ng mga donor, nakapagprocure ang SK Federation ng 900 bote ng 1.5-litro na mineral water para sa pamamahagi sa mga apektadong lugar.

Sa Barangay San Jose, Glan, nakipag-ugnayan ang SK Federation sa SK Poblacion ng Alabel para sa turnover ng mineral water dahil hindi pa accessible ang daan patungo sa lugar. Kasama rin sa turnover ang mineral water mula sa SK Bula na matatanggap ng mga benepisyaryo.

Sa Purok 5, Tango, at Taluya, Glan, direktang nagbigay ng mineral water sa mga residente na limitado na ang access sa malinis na tubig kasunod ng lindol.

Ito ay bahagi ng patuloy na inisyatibo ng SK Federation ng General Santos City sa pangunguna ni SK Federation President Hon. Elijah Joanne P. Pacquiao upang matiyak na maaabot ang tulong kahit sa mga lugar na mahirap puntahan.

๐—•๐—”๐—ก๐—š๐—ข๐—ก, ๐— ๐—œ๐—ก๐——๐—”๐—ก๐—”๐—ข | Patuloy ang paghahatid ng tulong ng SK Federation ng General Santos City, sa pangunguna ni SK Federat...
12/06/2026

๐—•๐—”๐—ก๐—š๐—ข๐—ก, ๐— ๐—œ๐—ก๐——๐—”๐—ก๐—”๐—ข | Patuloy ang paghahatid ng tulong ng SK Federation ng General Santos City, sa pangunguna ni SK Federation President Hon. Elijah Joanne P. Pacquiao, para sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng lindol.

Sa Balite St., Barangay Lagao, nakapagpaabot tayo ng pantawid-gutom at malinis na tubig sa mga residenteng nawalan o nasiraan ng tahanan matapos bumigay ang lupa sa lugar, na nagdulot ng matinding pinsala sa kanilang mga bahay.

Bagamaโ€™t may naihatid nang paunang tulong, patuloy pa rin nilang kailangan ng suporta habang nagsisimula silang makabangon mula sa pinsalang dulot ng lindol.

Sa pakikiisa ng mga kabataang lider mula sa SK Dadiangas West at SK Lagao, naging mas mabilis at mas direktang naihatid ang tulong sa mga pamilyang nangangailangan.

๐—•๐—”๐—ก๐—š๐—ข๐—ก, ๐— ๐—œ๐—ก๐——๐—”๐—ก๐—”๐—ข | Patuloy ang inisyatibo ng SK Federation ng General Santos City sa pangunguna ni SK Federation Preside...
12/06/2026

๐—•๐—”๐—ก๐—š๐—ข๐—ก, ๐— ๐—œ๐—ก๐——๐—”๐—ก๐—”๐—ข | Patuloy ang inisyatibo ng SK Federation ng General Santos City sa pangunguna ni SK Federation President Hon. Elijah Joanne P. Pacquiao sa paghahatid ng tulong para sa mga pamilyang apektado ng lindol.

Sa pakikipagtulungan ng SK Dadiangas West sa pangunguna ni Hon. Mark Bacalso at SK Lagao sa pangunguna ni Hon. Jan Mikoy Avila, nakapamahagi tayo ng pantawid-gutom at malinis na tubig sa Hicban Subdivision, Barangay Lagao, General Santos City.

Sa panahon ng pagsubok, mas pinagtitibay ng malasakit at bayanihan ang ating paninindigan na walang Heneral ang maiiwan.

Address

Roxas Street, Barangay Dadiangas East
General Santos City
9500

Opening Hours

Monday 9am - 6pm
Tuesday 9am - 6pm
Wednesday 9am - 6pm
Thursday 9am - 6pm
Friday 9am - 6pm

Telephone

+639926792627

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SK GenSan City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to SK GenSan City:

Share