05/05/2022
LOOK! π
Ang grupo ng Young Leaders Alliance o YLA ay nagsimula ng pumunta sa iba't-ibang barangay upang magbigay kaalaman sa mga kabataan patungkol sa mga katangiang dapat taglayin ng mga susunod na mamumuno sa lungsod ng Heneral Santos.
Ang Brgy. Calumpang at Brgy. Fatima ay kabilang sa mga malalaking barangay na may maraming botante ayon sa datos. Hinggil dito, binigyang halaga ng mga YLA members na bisitahin ang mga nasabing barangay upang mas mapalawak ang kamalayan ng mga kabataan na siyang layunin ng grupo.
Kabilang sa mga problemang inihaing ng mga kabataan ay ang issues tungkol sa TEENAGE PREGNANCY, ENVIRONMENTAL PROBLEMS, AT TRANSPORTATION. Ang partisipasyon ng bawat isa ay nagpapakita na alam ng mga kabataan ang mga problemang kinakaharap ng lungsod. Sila ay nagnanais na maluklok ang mga lider na karapat-dapat sa pwesto at mabigyang pansin ang mga nasabing issues.
Labis ang pasasalamat ng mga kabataan at ng ilang mga magulang sa inisyatiba ng Young Leaders Alliance.
YLA LABAN, LABAN YLA! π