24/01/2026
๐ SALAMAT, AGANLIGAYA COMMUNITY! ๐
Dati, halos binabahay-bahay pa ng ating mga Barangay Health Workers ang bawat bahay sa Aganligaya para lang makapag-anyaya, pero kakaunti ang nakikiisa at tumutugon. Ngayon, makikita na natin ang malaking pagbabago โ mas bukas na ang ating mga residente at mas handang makilahok sa mga programang pangkalusugan ng barangay.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa para makatulong na mapanatiling ligtas at malayo ang ating komunidad sa measles outbreak. Malaking hakbang ito para sa kalusugan at kapakanan ng bawat pamilya sa Aganligaya.
Lubos din po kaming nagpapasalamat sa Barangay Health Team ng Barangay Ligaya, sa pangunguna nina Barangay Kagawad Montasir Sinsuat at Maโam Lanie Rabang, sa kanilang walang sawang serbisyo, dedikasyon, at malasakit sa ating komunidad. ๐
Salamat po sa inyong tiwala, pakikipagtulungan, at suporta. Sama-sama nating ipagpatuloy ang ganitong magandang simula. โจ