02/06/2026
๐๐๐๐๐ก๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ง๐: ๐๐๐ข๐ฃ๐ง ๐ ๐๐๐๐๐๐ข ๐ฉ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ฌ๐๐๐ฅ๐ ๐๐๐ก๐ง๐๐ฅ - ๐ฃ๐๐๐ฆ๐ ๐
Ilulunsad ng Secondary Education Studentsโ Council ng Mindanao State University-General Santos, sa pakikipagtulungan ng SK Siguel, ang Phase 1 ng extension program na Kalinga sa Bata: Adopt a Badjao Village Daycare Center sa Hunyo 3, 2026, mula 1:00 PM hanggang 4:00 PM. Magsisimula ang programa sa Barangay Hall ng Barangay Siguel para sa mga panimulang aktibidad, at susundan ito ng ribbon cutting at aktwal na implementasyon sa Badjao Village Daycare Center kung saan opisyal na ilulunsad ang reading corner at ipamamahagi ang mga age-appropriate learning kits para sa mga batang mag-aaral.
Ang Kalinga sa Bata ay isang community service extension program na pinangungunahan ng SESC, na pormal na pinagtibay sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement (MOA) signing na isinagawa noong Mayo 1, 2026 sa Barangay Hall ng Siguel. Layunin ng programa na tugunan ang pangangailangang pang-edukasyon ng Badjao Village Daycare Center sa abot ng makakaya. Ang Phase 1 ay magsisilbing unang konkretong hakbang ng nasabing kolaborasyon, na lalahukan ng mga student volunteers mula sa mga recognized student organizations ng MSU-General Santos City.
Hinihikayat din ang patuloy na suporta para sa programa sa pamamagitan ng mga donasyong pera at in-kind, partikular para sa mga aklat at learning materials na angkop sa mga batang mag-aaral.
๐๐ป๐ด ๐บ๐ผ๐ป๐ฒ๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐ฑ๐ผ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ฑ๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐๐ฎ๐๐ต ๐ป๐๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ:
09514818625
(A**** D*****).
Para naman sa mga donasyong materyal o iba pang koordinasyon, maaaring makipag-ugnayan kay Alaysa Solaiman, ang proponent ng programa.
๐๐๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ญ ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ค๐ฎ๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ง ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ญ๐๐ง๐ ๐ข๐ญ๐จ ๐๐ฒ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ค๐๐ค๐ฎ๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ง ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฉ, ๐ค๐ฎ๐ง๐๐ข ๐ค๐๐ค๐ฎ๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ง ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ญ๐๐จ๐ง.