28/04/2026
Noong Abril 25, 2026, matagumpay na idinaos ang isang Online Education Discussion sa pangunguna ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) - College of Human Ecology. Layunin ng talakayang ito na magbahagi ng kaalaman at karanasan mula sa iba't ibang sektor na nagsusulong ng pangangalaga sa ating ekolohiya at kalikasan. 💚🌏
Ang diskusyon ay dinaluhan ng mga eksperto at lider mula sa iba't ibang organisasyon.
Mula sa Philippine Misereor Partnership Inc. (PMPI), inilatag ni Ms. Melody Asia ang matingkad na diskusyon ng kahalagahan ng adbokasiyang Rights of Nature na naglalayong mabigyang proteksyon ang Inang Kalikasan sa ating batas sa Pilipinas. Ibinahagi rin ni Mr. Algimar Guitang mula sa Marinduque Council for Environmental Concerns (MACEC) tungkol sa mga inisyatiba at aktibong pakikilahok ng mga kabataan sa kanilang lugar laban sa mapanirang pagmimina at pagtatanggol para sa kalikasan.
Mula naman sa Katutubong Kabataang Umuugat sa Kabundukan ng Sierra Madre (UGBON), ibinahagi ni Ms. Kristel Quierrez-Asa ang kaniyang makabuluhang mga kuwento, bilang kinatawan ng Katutubong Kabataan, tungkol sa araw-araw na pamumuhay at pakikibaka sa loob ng kanilang lupang ninuno.🌿🫶
Naging matagumpay ang talakayan at nagbuklod sa iba't ibang tinig mula sa legal na adbokasiya at inisyatiba ng kabataan hanggang sa mga pananaw ng mga katutubo upang bigyang-diin ang malawak at komprehensibong diskarte na kinakailangan para sa pagpapanatili ng ating maganda at payapang kalikasan. 🤝🔄
🇵🇭 Pirmahan ang petisyon sa pagsusulong ng Rights of Nature bilang Isang panukalang batas: https://f.mtr.cool/qhdnrgagfn