08/09/2025
𝙏𝙍𝘼𝙎𝙃𝙐𝙍𝙀 𝙄𝙎 𝘽𝘼𝘾𝙆!
Proudly joining the cause, the SPEAK Club supports this project to inspire action and community spirit!
So GMATHSians, let’s once again turn trash into treasure! Bring your bottles, papers, plastics, tins, and other recyclables for the upcoming Trashure Project collections.
All students are invited to join, This initiative supports SSLG projects and activities that will benefit the school community while helping us care for the environment.
Muling naghahatid ng makabuluhang proyekto ang GMATHS Supreme Secondary Learner Government (SSLG) na nakatuon sa kapaligiran at kapakanan ng bawat mag-aaral—ang TRASHURE. Mula sa pinagsamang salita na “trash” at “treasure”, ipinapakita nito na ang mga bagay na hindi na ginagamit ay maaari pa ring maging kapaki-pakinabang.
Sa proyektong ito, hinihikayat ang bawat mag-aaral na magdala ng kanilang mga kalakal tulad ng bote ng mantika, lumang yero, papel, plastik, at iba pang maaaring maipagbili. Ang pondong malilikom mula rito ay gagamitin upang masuportahan ang mga programa, proyekto, at aktibidad ng SSLG na para sa lahat ng mag-aaral. Kasabay nito, nakatutulong din ang TRASHURE na mabawasan ang kalat sa ating kapaligiran at maitaguyod ang disiplina sa tamang pamamahala ng basura. Sa bawat pakikilahok, maipapakita natin ang malasakit sa paaralan at sa kalikasan, at nagiging paraan ito upang mapakinabangan muli ang mga bagay sa mas makabuluhang layunin.