Barkada Kontra Droga - Gen. Mariano Alvarez Technical High School

Barkada Kontra Droga - Gen. Mariano Alvarez Technical High School The Official FB Page of GMATHS BKD

Safe Space for Community, Say No to Drugs!

Sa bagong yugto ng ating kasaysayan ating ipinagdiriwang ang ika-128 Araw ng Kalayaan ng ating minamahal na Pilipinas.Ha...
12/06/2026

Sa bagong yugto ng ating kasaysayan ating ipinagdiriwang ang ika-128 Araw ng Kalayaan ng ating minamahal na Pilipinas.

Handa kaming pahalagahan, ingatan, at isabuhay ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga bayani. Nawaโ€™y maging daan ang araw na ito upang mas mapatibay pa ang ating pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at pagtupad sa tungkulin bilang mabuting mamamayan.

Sama-sama nating patunayan: ang kalayaan ay ating pangangalagaan.



Happy Pride Month! ๐ŸŒˆNgayong Pride Month, ipinagdiriwang natin ang pagmamahal, pagkakapantay-pantay, at kalayaan ng bawat...
01/06/2026

Happy Pride Month! ๐ŸŒˆ

Ngayong Pride Month, ipinagdiriwang natin ang pagmamahal, pagkakapantay-pantay, at kalayaan ng bawat isa na maging totoo sa kanilang sarili. Nawaโ€™y patuloy nating ipakita ang respeto, suporta, at pagtanggap sa lahat anuman ang kanilang kasarian o pagkatao.

Maging proud sa kung sino ka, dahil karapatan ng bawat isa ang mahalin at tanggapin.๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ


Sa bagong yugto ng ating samahan, buong puso naming ipinapakilala ang bagong hanay ng mga opisyal ng Barkada Kontra Drog...
20/05/2026

Sa bagong yugto ng ating samahan, buong puso naming ipinapakilala ang bagong hanay ng mga opisyal ng Barkada Kontra Droga para sa Taong Panuruan 2026โ€“2027.

Handa kaming magsilbi, manguna, at maging boses ng mga kabataang pipili sa tama, disiplina, at magandang kinabukasan. Nawaโ€™y maging daan ang taong ito para mas mapalakas pa ang pagkakaisa, kamalayan, at aktibong pakikilahok ng bawat estudyante laban sa ipinagbabawal na gamot.

Sama-sama nating patunayan na ang kabataan ay may lakas na maging mabuting impluwensya sa kapwa.



MALIGAYANG ARAW NG MGA INA!๐Ÿงก Sa araw na ito, ating alalahanin at pasalamatan ang mga babaeng nagbigay sa atin ng buhay, ...
09/05/2026

MALIGAYANG ARAW NG MGA INA!๐Ÿงก

Sa araw na ito, ating alalahanin at pasalamatan ang mga babaeng nagbigay sa atin ng buhay, pagmamahal, at walang katapusang sakripisyo. Kayo ang nagsisilbing pundasyon ng ating pamilya, ang ilaw na gumagabay sa atin sa tuwing madilim ang ating dinadaanan, at ang lakas na nagpapatatag sa atin sa oras ng panghihina.

Walang salita ang sapat para ilarawan ang inyong kabutihan at pagmamahal. Kayo ang tunay na bayani na hindi humihingi ng kapalit, handang magtiis at magsakripisyo para lang maging maayos at masaya ang buhay ng kanyang mga anak.

Mahal na mahal namin kayo higit pa sa inaakala niyo. Nawaโ€™y bigyan kayo ng Panginoon ng mahabang buhay, mabuting kalusugan, at walang katapusang biyaya. Kayo ang reyna ng aming mga puso!



Ngayong Mayo Uno, ipinagdiriwang natin ang sipag at sakripisyo ng ating mga manggagawang Pilipino. Saludo ang aming orga...
30/04/2026

Ngayong Mayo Uno, ipinagdiriwang natin ang sipag at sakripisyo ng ating mga manggagawang Pilipino.

Saludo ang aming organisasyon, Barkada Kontra Droga - GMATHS sa bawat manggagawang patuloy na nagsusumikap para sa kanilang pamilya at sa ating bayan! Sa kabila ng hirap, kayo ay patuloy na lumalaban at hindi sumusuko. Kaya ngayong araw, kayo naman ang aming binibigyang-pagkilala!

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa bawat pawis at pagod na inyong iniaalay para sa ikauunlad ng ating bansa. Kayo ang tunay na bayani ng ating panahon!

Sanaโ€™y patuloy nating bigyang halaga at respeto ang dedikasyon ng bawat isa. Muli, Maligayang Araw ng mga Manggagawa! Ang araw na ito ay para sa inyo! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ› ๏ธ



Maligayang Kaarawan, Pres. John Wesley ManzanoMalugod na binabati ka ng buong barkadahan ng isang Maligayang Kaarawan, N...
26/04/2026

Maligayang Kaarawan, Pres. John Wesley Manzano

Malugod na binabati ka ng buong barkadahan ng isang Maligayang Kaarawan, Nawaโ€™y hanggang sa huli ay magpatuloy at magpatuloy parin ang iyong adbokasiya laban sa droga. Pagpalain ka nawa ng Panginoon ng mahaba, masagana, at malusog na buhay at Nawaโ€™y punuin ka ng saya ngayong araw.

Muli, Maligayang Ikalabimpitong Kaarawan๐Ÿงก


Ngayong Abril 9, 2026 ay ating ipinagdiriwang ang Araw ng Kagitingan upang parangalan ang katapangan ng mga Filipino at ...
08/04/2026

Ngayong Abril 9, 2026 ay ating ipinagdiriwang ang Araw ng Kagitingan upang parangalan ang katapangan ng mga Filipino at Amerikanong sundalo na nakipagdigma noong ikalawang digmaang daigdig upang ipaglaban ang ating karapatan at upang maging malaya ang ating bansa. Ang sakripisyo ng ating mamamayang Filipino na nagmartsa ay ang naging daan patungo sa ating kalayaan.

Ngayong araw, tayo ay nagpupugay sa kagitingan, katapatan at sakripisyo ng ating mga bayani. Hindi lamang nila ipinaglaban ang ating bansa, kundi inilarawan nila ang mahusay na katangian ng isang Filipino. Sila ay nagsilbing inspirasyon sa sumunod na henerasyon upang magkaroon ng alab sa puso at isip upang maging mulat sa katotohanan. Ang kanilang marka sa historya ng Pilipinas ay hindi malilimutan at paparangalan.




PAGBATI KA-BARKADA๐Ÿ’ฅ๐Ÿ’ฏ Pagbati sa lahat ng nagkamit ng karangalan at nakakuha ng iba't ibang sertipiko at medalya, Ang iny...
05/04/2026

PAGBATI KA-BARKADA๐Ÿ’ฅ๐Ÿ’ฏ

Pagbati sa lahat ng nagkamit ng karangalan at nakakuha ng iba't ibang sertipiko at medalya, Ang inyong husay at dedikasyon sa akademya ay nagresulta nadin, Bawat pagod at "Late Night Crammings" Ay napalitan narin ng isang medalya at sertipiko na naging simbolo ng inyong kahusayan.

Para sa aming mga miyembrong nagsipagtapos ay Maraming Salamat sa inyong walang sawang pagtataguyod laban sa droga. Ang inyong naging kontribusyon sa organisasyong ito ay hindi kailanman malilimutan, Kudos Sainyo!!

Pero kahit na tayo man ay hindi naabot ang medalya at sertipiko ay wag nating tignan pababa ang ating mga sarili, May Karangalan man o wala, Hindi kailanman napapantayan ng inyong halaga ang isang bakal na pwedeng matunaw at isang papel na pwedeng mapunit.



๐Ÿ“ข KABATAAN, NANGUNGUNA SA KAMPANYA KONTRA DROGA! "Hindi Kami Papayag na Masira ang Kinabukasan!" Sa Lungsod ng General M...
22/03/2026

๐Ÿ“ข KABATAAN, NANGUNGUNA SA KAMPANYA KONTRA DROGA!

"Hindi Kami Papayag na Masira ang Kinabukasan!"

Sa Lungsod ng General Mariano Alvarez, patuloy na tumataas ang kamalayan ng mga kabataan laban sa ipinagbabawal na gamot! ๐Ÿšซ๐Ÿ’Š

Nagsagawa sila ng makabuluhang programa na kinabibilangan ng awareness activities, talakayan tungkol sa masamang epekto ng droga, at mga malikhaing gawain tulad ng pagsusulat ng tula, sanaysay, paggawa ng posters, at creative storytelling.

Sinabi ng isang youth leader: "Hindi dapat maging normal ang paggamit ng droga. Isang maling hakbang lang, maaaring masira ang buong buhay."

โœ… Sumusuporta rin ang mga magulang sa mga proyektong ito, dahil nakikita nilang nagbubukas ito ng komunikasyon sa pamilya at nagtuturo ng tamang desisyon sa mga kabataan.

Hinihiling ng mga kabataan na magtulungan ang lahat ng miyembro ng komunidadโ€”dahil laban sa droga, responsibilidad ng lahat! ๐Ÿ’ช

Isang komunidad na may pag-asa, kaayusan, at tunay na pagbabagoโ€”ito ang hangad ng ating kabataan!

Sources: PDEA/DepEd Anti-Drug Campaigns, Community Youth Awareness Programs

โœ๏ธ - Marquez, Lindsay Yohann P.





๐Ÿ“… PEBRERO 15, 2026 | โฐ 3:30 PM - 4:15 PMโœ… ๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ! โ€“ ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฅ๐—ž๐—”๐——๐—” ๐—ž๐—ข๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—” ๐——๐—ฅ๐—ข๐—š๐—” (๐—•๐—ž๐——) ๐—ก๐—”๐—š๐—•๐—ข๐—ง๐—ข๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—•๐—”๐—š๐—ข๐—ก...
15/02/2026

๐Ÿ“… PEBRERO 15, 2026 | โฐ 3:30 PM - 4:15 PM

โœ… ๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ! โ€“ ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฅ๐—ž๐—”๐——๐—” ๐—ž๐—ข๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—” ๐——๐—ฅ๐—ข๐—š๐—” (๐—•๐—ž๐——) ๐—ก๐—”๐—š๐—•๐—ข๐—ง๐—ข๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—•๐—”๐—š๐—ข๐—ก๐—š ๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—ฆ ๐—ก๐—” ๐— ๐—”๐— ๐—จ๐— ๐—จ๐—ก๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—ง๐—”๐—ข๐—ก๐—š ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ-๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿณ! ๐Ÿ—ณ๏ธโœจ

Ang Barkada Kontra Droga (BKD) ay matagumpay na nagsagawa ng pagbobotohan ngayong Pebrero 15, 2026, mula 3:30 PM hanggang 4:15 PM, na dinaluhan ng mga kasapi ng organisasyon.

Layunin ng halalan na mapili at maipagkaloob ang mga tungkulin sa mga bagong opisyal na mamumuno para sa Barkada Kontra Droga. Dito ibinigay ng bawat kasapi ang kanilang boto para sa mga pinaniniwalaang makakapagpatuloy at mapapahusay ang adbokasiya ng organisasyon laban sa droga.

"Sa bawat boto, bagong pag-asa ang sumisimbolo. Ang pagpili ng bagong pamunuan ay simula ng mas matatag na laban para sa kinabukasang walang droga." ๐Ÿงก




Address

General Mariano Alvarez

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barkada Kontra Droga - Gen. Mariano Alvarez Technical High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barkada Kontra Droga - Gen. Mariano Alvarez Technical High School:

Share