29/06/2026
What a blessed and unforgettable 4th Church Anniversary! 🤍🙌
Tunay ngang naging makabuluhan ang pagdiriwang ng aming 4th Church Anniversary na may temang "Stand Firm" mula sa Ephesians 6:13. Isa itong paalala na sa kabila ng anumang pagsubok, tinatawag tayo ng Diyos na manatiling matatag sa pananampalataya.
Maraming salamat kay Ptra. Inele Aerep Kisgab , sa inyong pagmamahal, pamumuno, at patuloy na pag-aalaga sa aming church. Salamat din kay Senior Ptr. Levi Mendoza sa napakalakas at napapanahong mensaheng ibinahagi ninyo na tunay na naging pagpapala, encouragement, at reminder ito sa aming lahat na patuloy na tumayong matatag sa Panginoon.
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa lahat ng sponsors, core leaders, youth, worship team at bawat church member na nagbigay ng kanilang oras, lakas, at puso upang maging matagumpay ang pagdiriwang na ito. Maraming salamat din sa lahat ng aming mga bisita na nakiisa sa espesyal na araw na ito.
Higit sa lahat, ang lahat ng papuri, karangalan, at kaluwalhatian ay sa Diyos lamang. Salamat, Panginoon, sa apat na taon ng Iyong katapatan at walang hanggang biyaya. Patuloy tayong stand firm at maglingkod nang buong puso para sa Kanya.
Happy 4th Anniversary, Blessed Hope GMA! 🤍🙌
All glory belongs to God.l☝️