11/05/2026
๐๐๐๐๐ก๐ง๐๐ฌ๐๐ก ๐ก๐๐ ๐๐ก ๐๐๐ฌ๐ข ๐๐๐ก๐๐๐๐ก๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ด.
Ang One Nueva Ecija Coalition, na binubuo ng mga concerned youth groups mula sa Ikatlong Distrito at ibaโt ibang bahagi ng Nueva Ecija, ay mariing tinatandaan ang boto ng ilang kinatawan ng Nueva Ecija laban sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Sara Duterte.
Sa halip na bigyang-daan ang proseso ng pananagutan at katotohanan, pinili nilang hadlangan ang pagkakataon para mailatag at masuri nang maayos ang mga seryosong alegasyon sa harap ng taumbayan. Ang impeachment trial ay hindi awtomatikong paghusgaโito ay isang demokratikong proseso upang mapanagot ang mga opisyal ng pamahalaan.
Hindi sapat ang pag-abstain sa panahon na kailangang manindigan para sa katotohanan at pananagutan. Ang kailangan ng mamamayan ay malinaw na suporta sa due process at pagboto ng YES para umusad ang impeachment trial.
Bilang mga kabataang naninindigan para sa transparency at mabuting pamamahala, malinaw naming sinasabi: bayan muna kaysa sarili, Congressman. Ang boto ninyo ngayon ay hindi malilimutan, at pananagutan ito ng kasaysayan at ng mamamayan.