06/06/2026
𝗞𝗞 𝗔𝘀𝘀𝗲𝗺𝗯𝗹𝘆 𝟮𝟬𝟮𝟲!🎊
June 12, 2026, 1pm
Barangay Castanos Lejos Covered Court
Malugod po namin kayong inaanyayahang dumalo sa ating taunang 𝗞𝗮𝘁𝗶𝗽𝘂𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 (𝗞𝗞) 𝗔𝘀𝘀𝗲𝗺𝗯𝗹𝘆! Dito po ay tatalakayin ang budget, accomplishments, at mga programa ng ating Sangguniang Kabataan.
Sa pagpupulong na ito, hindi lamang tinig ng Sangguniang Kabataan ang maririnig, kundi mas higit ang sama-samang tinig ng Katipunan ng Kabataan (KK). Bukod sa pagtalakay at pagsusuri sa mga programa at badyet ng ating SK, ito rin ay pagkakataon upang maiparating ninyo ang inyong mga hinaing, mungkahi, at pananaw na makatutulong sa higit pang pagpapabuti at pagpapaunlad ng mga programang pangkabataan.
Narito po ang ating mga agenda sa darating na KK Assembly:
1. Pag uulat ng mga nagdaang proyekto ng SK (SK Accomplishment Report)
2. Budget at mga programa para sa taong 2026
3. HIV Awareness Seminar
4. Pamimigay ng forms para sa iSKolar: Financial Assistance for College and Senior High School Students
(Paalala: Limitado lamang po ang ating iSKolar form at ito po ay ipapamigay sa first-come, first-served basis. Sa attendance po tayo mag ba-base.) Mangyaring i-click na lamang po ang link na ito: https://www.facebook.com/share/p/1CnLZCidBX/ para sa kabuuang detalye ng iSKolar.
Mayroon ding pong inihandang mga pagkain, pa-premyo, at raffle ang ating Sangguniang Kabataan para sa mga dadalo. Kaya't halina't makiisa sa ating KK Assembly 2026!
𝑲𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑳𝒆𝒋𝒐𝒔—𝒌𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒚 𝒂𝒍𝒂𝒎 𝒂𝒕 𝒌𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒚 𝒑𝒂𝒌𝒊𝒂𝒍𝒂𝒎! Kitakits!🤎