24/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Sa direktiba ng ating Butihing Alkalde, Hon. Michael L. Galang, EnP, MPA, at sa inisyatiba ng ating Agriculture at Agrarian Reform Chairperson, Hon. Adonis G. Magat, DVM, magsasagawa ang Lokal na Pamahalaan ng Floridablanca, sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office na pinamumunuan ng ating Municipal Agriculturist, Mark Marvin A. Mercado, MSA, RAgr, katuwang ang ating Veterinarian, Pia Marie E. Resano, DVM at ating mga private partners na Zoetis, Pet Options, at Vetmate Farma Corporation, ng isang Veterinary Medical Mission bilang pagdiriwang ng World Rabies Day na may temang โStronger Together.โ
Ang nasabing aktibidad ay gaganapin sa darating na September 29, 2026, sa Barangay Palmayo Covered Court, 8:00 AM onwards, at magiging bukas sa lahat ng residente ng Bayan ng Floridablanca.
Layunin ng nasabing inisyatiba na makatulong sa ating mga pet owners na maprotektahan ang kanilang mga alaga laban sa banta ng rabies, mga sakit at peste, gayundin ang ating buong komunidad.
Kabilang sa mga serbisyong ipagkakaloob nang libre ay ang mga sumusunod:
โ๏ธ Veterinary Consultation
โ๏ธ Anti-Rabies Vaccination
โ๏ธ Deworming
โ๏ธ Anti-Tick and Flea Treatment
โ๏ธ 5-in-1 Vaccination for Dogs (para sa unang 100 pet owners lamang)
๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐: Isang alaga lamang po bawat pet owner ang maaaring makatanggap ng Deworming, Tick and Flea Treatment, at 5-in-1 Vaccination, upang masiguro na mabibigyan ng serbisyo ang lahat ng ating mga kababayan. First come, first served basis po tayo.
Ititigil din po ang pagbibigay ng serbisyo kapag naubos na ang mga available na gamot at bakuna.
Magtulungan po tayo upang makamit natin ang isang komunidad na ligtas sa banta ng rabies!
See less