13/05/2026
Noong Mayo 6, 2026, muling namukadkad ang mga kuwento ng ating kultural, kalikasan, at pagkakakilanlan sa puso ng Ermita. ๐บโจNaging buhay na hardin ang UP Manila sa pagdiriwang ng ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ฒ๐๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐๐ซ๐ข๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐๐๐๐ , isang makulay na paglalakbay ng sining, pananampalataya, at pamanang biyokultural, na pinagyaman ng samuโt saring bulaklak, tradisyon, at mga kabataang may pusong naglilingkod sa bayan.
Ang mga arko ng bulaklak ay tila pag-alala sa ating mga ugat. Ang bawat hakbang at mga ngiti ay pagpupugay sa mayamang saribuhay na patuloy nating inaaruga at ipinapamana. ๐ฟ๐
Maraming salamat sa lahat ng lumahok, nakiisa, at naging bahagi ng pagdiriwang na ito. Sa mga naghandog ng oras, talento, at pagmamahal upang maisabuhay ang diwa ng Santacruzan, kayo ang mga talulot na nagbigay kulay at buhay sa makasaysayang pagdiriwang na ito.
Nawaโy patuloy nating baybayin ang landas ng kultura at kalikasan nang may paggalang, pagkakaisa, at pag-ibig sa ating pamana. ๐ธ
๐๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ญ๐ง๐๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก
Motivo
Ang Tagamasid UPM
UP Manila Salinlahi
UPM CAS Freshmen, Shiftees, and Transferees Council
๐๐จ๐ฎ๐ ๐ก๐ญ ๐ญ๐จ ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐๐ฒ
Museum of a History of Ideas
The Faura Project