Manileño's De Magiting Eagles Club

Call Directions Contact the organization

Manileño's De Magiting Eagles Club Brotherhood Service Unity Divine Power �

💙 Manila Bay Coastal Clean-Up Drive 💙Sa sama-samang pagkilos, nakikiisa ang Manileños de Magiting Eagles Club sa paglili...
19/09/2026

💙 Manila Bay Coastal Clean-Up Drive 💙

Sa sama-samang pagkilos, nakikiisa ang Manileños de Magiting Eagles Club sa paglilinis ng baybayin ng Manila Bay bilang bahagi ng aming adhikain na pangalagaan ang kalikasan at mapanatili ang kalinisan ng ating kapaligiran.

Ang bawat basurang napupulot ay hakbang tungo sa mas malinis, mas ligtas, at mas maayos na kapaligiran para sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon.

Maraming salamat sa lahat ng boluntaryo at katuwang na naglaan ng oras at lakas para sa gawaing ito. Sama-sama nating ipakita na ang tunay na paglilingkod ay nagsisimula sa pagmamalasakit sa ating komunidad at kalikasan.

Para sa bayan, para sa kalikasan, at para sa mas magandang kinabukasan. 🇵🇭💚

PUSONG AGILA Nagpapasalamat kami sa lahat ng nakiisa at tumulong sa aming Charity Drive para sa mga Nasunugan sa Arellan...
22/08/2026

PUSONG AGILA

Nagpapasalamat kami sa lahat ng nakiisa at tumulong sa aming Charity Drive para sa mga Nasunugan sa Arellano St., Brgy. 739.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa, malasakit, at pagtutulungan, nakapagbahagi tayo ng kaunting pag-asa at tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog. Tunay na ipinakita natin ang diwa ng bayanihan at pagmamalasakit sa kapwa.

Maraming salamat sa lahat ng sponsors, volunteers, at mga taong nagbigay ng kanilang oras, suporta, at donasyon. Nawa’y patuloy tayong maging instrumento ng pag-asa at inspirasyon sa ating komunidad.

“Pagkakaisa sa pagbangon ng mga nasunugan.”

🦅❤️🙏🏻

❤️💙 Maligayang Araw ng Maynila! 💙❤️Mula sa Manileños de Magiting Eagles Club, kami ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Araw n...
23/06/2026

❤️💙 Maligayang Araw ng Maynila! 💙❤️

Mula sa Manileños de Magiting Eagles Club, kami ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Maynila isang paggunita sa mayamang kasaysayan, kultura, at katatagan ng ating minamahal na lungsod.

Ipinagmamalaki namin ang pagiging bahagi ng Maynila, ang puso ng ating bansa, na patuloy na nagsisilbing tahanan ng pagkakaisa, serbisyo, at pag-asa para sa bawat Manileño.

Nawa’y patuloy nating mahalin, pangalagaan, at pagyamanin ang ating lungsod para sa susunod na henerasyon.

Mabuhay ang Maynila! Mabuhay ang mga Manileño!

– Manileños de Magiting Eagles Club 🦅

🏛️🦅🇵🇭

🦅💙 Maligayang Araw ng mga Ama! 💙🦅Mula sa Manileños de Magiting Eagles Club, taos-puso naming binabati ang lahat ng mga k...
20/06/2026

🦅💙 Maligayang Araw ng mga Ama! 💙🦅

Mula sa Manileños de Magiting Eagles Club, taos-puso naming binabati ang lahat ng mga kuya, ama, tatay, lolo, at mga tumatayong ama sa kanilang pamilya.

Salamat sa inyong walang sawang pagmamahal, sakripisyo, at paggabay. Kayo ang haligi ng tahanan at inspirasyon ng inyong mga anak at mahal sa buhay. Ang inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon ay nagsisilbing ilaw at lakas ng bawat pamilyang Pilipino.

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at masaganang buhay. Higit sa lahat, nawa’y maramdaman ninyo ang pagmamahal at pagpapahalaga na tunay ninyong nararapat.

Mabuhay ang lahat ng Ama! Maligayang Araw ng mga Ama! 👨‍👩‍👧‍👦❤️

– Manileños de Magiting Eagles Club 🦅

🦅💙

🇵🇭🦅 Maligayang Araw ng Kalayaan! 🦅🇵🇭Sa pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas, ang Manileños De Mag...
12/06/2026

🇵🇭🦅 Maligayang Araw ng Kalayaan! 🦅🇵🇭

Sa pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas, ang Manileños De Magiting Eagles Club ay nakikiisa sa pagpupugay sa katapangan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan ng bawat Pilipino.

Nawa’y patuloy nating isabuhay ang diwa ng kalayaan sa pamamagitan ng paglilingkod, pagkakaisa, at malasakit sa kapwa para sa mas maunlad na kinabukasan.

Mabuhay ang Pilipinas!
Mabuhay ang Manileños De Magiting Eagles Club!

Service Through Strong Brotherhood
🇵🇭 Kalayaan. Pagkakaisa. Paglilingkod.

🦅🙏 Mga Tagapag-alay ng Handog 🙏🦅Taos-pusong nakikiisa ang Manileños de Magiting Eagles Club sa pag-aalay ng mga handog s...
10/06/2026

🦅🙏 Mga Tagapag-alay ng Handog 🙏🦅

Taos-pusong nakikiisa ang Manileños de Magiting Eagles Club sa pag-aalay ng mga handog sa Banal na Misa. Nawa’y maging kalugud-lugod sa Panginoon ang aming mga alay bilang pasasalamat sa Kanyang walang hanggang biyaya at gabay.

Patuloy nawa kaming maging instrumento ng pagmamahal, pagkakaisa, at paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.

Manileños de Magiting Eagles Club 🦅3rd Anniversary 📍 Bauang, La Union📅 May 1–3, 2025We celebrating 3 years of strong bro...
02/05/2026

Manileños de Magiting Eagles Club 🦅
3rd Anniversary

📍 Bauang, La Union
📅 May 1–3, 2025

We celebrating 3 years of strong brotherhood, unity, and dedicated service to the community. Sa loob ng tatlong taon, patuloy nating pinapatunayan ang tunay na diwa ng pagkakaisa, malasakit sa kapwa, at solid na samahan.

This meaningful gathering features interviews and introductions of our new members giving them the opportunity to share their stories, mas makilala ang brotherhood, at maipakita ang kanilang commitment sa service, community, at bonding with fellow members.

Together, we continue to soar higher, guided by our purpose and mission to serve. Para sa bayan, para sa komunidad. 🦅

🦅

Maligayang Bagong Taon 2026 🎆Mga Ate, Kuya, Bunso at Friends of Eagles! Sabay-sabay nating salubungin ang 2026 na puno n...
31/12/2025

Maligayang Bagong Taon 2026 🎆

Mga Ate, Kuya, Bunso at Friends of Eagles! Sabay-sabay nating salubungin ang 2026 na puno ng bagong lakas, mas matibay na pagkakaisa, at mas masigasig na paglilingkod sa bayan! 💪✨

Buong tapang at puso, handa ang Manileños de Magiting Eagles Club na ipagpatuloy ang misyon ng pagiging magiting sa salita, sa gawa, at sa puso!

Isang makabuluhan, masigla, at matagumpay na taon para sa ating lahat!
Mabuhay ang Agila! 🦅🔥

Araw ni Rizal 🇵🇭Ginugunita natin ang kabayanihan at diwang makabayan ni Dr. Jose Rizal isang paalala na ang pagmamahal s...
30/12/2025

Araw ni Rizal 🇵🇭

Ginugunita natin ang kabayanihan at diwang makabayan ni Dr. Jose Rizal isang paalala na ang pagmamahal sa wika at bayan ay pagmamahal sa ating pagkakakilanlan.

🎄✨ Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon Mga Ate, kuya, Bunso and friends of eagles✨🎄Ang taos-pusong pagbati na ito a...
24/12/2025

🎄✨ Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon Mga Ate, kuya, Bunso and friends of eagles✨🎄

Ang taos-pusong pagbati na ito ay nagmumula sa Manileños de Magiting Eagles Club. Nawa’y ang diwa ng Pasko ay maghatid ng pagmamahal, kapayapaan, at pagkakaisa sa bawat tahanan, at ang darating na Bagong Taon ay maging puno ng pag-asa, biyaya, at tagumpay para sa ating lahat.

Patuloy tayong magkaisa sa paglilingkod at isabuhay ang dangal at diwa ng isang tunay na Agila. 🦅

Mabuhay ang Manileños! Mabuhay ang Agila! 🎉✨

Address

Rubi Street
Ermita

Telephone

+639171639986

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Manileño's De Magiting Eagles Club posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Manileño's De Magiting Eagles Club:

Shortcuts

Share