19/06/2026
Ang naging resulta ng pagpupulong kahapon ay higit pa sa simpleng presentasyon.
Nabigyan ng ARTA ng firsthand understanding kung gaano kakomplikado at kabigat ang kasalukuyang compliance journey na dinaraanan ng maraming negosyo sa El Nido, lalo na ang mga SMEs na may limitadong oras, tao, at kakayahang pinansyal.
Sa pamamagitan ng presentasyon ng ENBC, DENR, at LGU, nakita kung paano nagkakaugnay ang iba't ibang requirements, permits, clearances, at proseso ng iba't ibang ahensya. Naging malinaw na ang isang delay o bottleneck sa isang bahagi ng proseso ay maaaring makaapekto sa buong compliance journey ng isang negosyo.
Dahil sa mga impormasyong naipresenta, nagpahayag ang ARTA ng intensyon na ipagpatuloy ang usapin sa pamamagitan ng Whole-of-Government (WOG) approach at iimbitahan ang iba pang kaukulang ahensya upang sama-samang suriin kung paano mas mapapabuti at mapapadali ang compliance system sa El Nido nang hindi isinasakripisyo ang pangangalaga sa kalikasan.
Marami pang hakbang ang kailangang tahakin.
Ngunit kahapon, isang mahalagang hakbang ang naisagawa.
Sa unang pagkakataon, ang tunay na karanasan ng business community sa compliance system ay naiparating nang direkta sa mga ahensyang may kapangyarihang gumawa ng pagbabago.
Maaaring ito na ang simula.
Para sa mas maayos na compliance.
Para sa mas protektadong kalikasan.
Para sa mas magandang kinabukasan ng El Nido.
"Patuloy tayong maninindigan sa kung ano ang tama at hindi mananahimik sa kung ano ang mali."