24/05/2024
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐. ๐๐๐๐๐, ๐๐ก๐, ๐๐๐๐ ๐
2024 END-OF-SCHOOL YEAR (EOSY) RITES
๐๐ฉ๐ฆ๐ฎ๐ฆ: โ๐๐ข๐ฃ๐ข๐ต๐ข๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฐ ๐๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐๐ข๐ต๐ข๐ต๐ข๐จ ๐ฏ๐ข ๐๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ถ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐จ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ดโ
_________
As we gaze in the horizon, we see a shining tomorrow, brighter than ever, and a better Philippines, better than ever.
Each of us advocates actions in making this world a better place; to participate in connecting many dreams through our vision of quality education. And so, we educate our children on how to care more for each life and each dream; to dedicate most if not all of our efforts in empowering them to contribute to our communities so that we may live sustainable lives.
And today we take this firm step by our year-end rites - a recognition of the efforts made, action steps taken to bring into reality our beautiful vision of our children as they endeavor to achieve their dreams.
Sa pagtatapos ng taong pampanuruang 2023-2024, ating inaasam na anihin ang bunga ng pagsisikap ng bawat isa โ mga magsisipagtapos, mga magulang, mga namumuno sa Kagawaran ng Edukasyon, mga g**o at kawani, at stakeholder.
Ang pagkamit ng edukasyon o maging ang pagbabahagi nito ay gawaing โdi matapos- tapos. Sa mga magsisipagtapos, ang kaalaman at kakayahang natanggap mula sa inyong pag-aral ay pinagsanib na biyaya at responsibilidad. Napasainyong kamay ang kalinangรกn, kagalingรกn at kahusayan na maghahanda sa inyo sa pagharap sa isang bukรกsna punรด ng oportunidad at hamon.
Pagpupugay sa mga magulang, mga g**o at namumuno na bumuno ng mga araw, buwan at taon upang maipaabot, maipakita at maipadama ang buong suporta at maitaguyod ang pangangailan ng mga anak at mag-aaral.
Samakatwid, ito ay panahon ng pagdiriwang at pagpasalamat: nang mayayamang kaalamang naibahagi ng ating mga g**o, nang totoong pagsisilbi ng mga kawani, makabuluhang pamumuno ng ating mga namamahala, โdi matatawarang sakripisyo, pagkabukaspalad at pagmamahal ng mga magulang, pakikipagtulungan at pakikipag- ugnayan ng lahat ng may pakialam at pagmamahal sa edukasyon.
Narito tayong lahat bilang patotoo at patunay sa pagpapahalaga natin sa kinakatawang adhikain ng ating Kagawaran - ang de-kalidad na edukasyon.
Ngayon, inilalatag nating muli ang ating inaasam sa inyo mga kabataan - sa inyoโy ibinibuhos ang buhรกy na pag-asa na sa pamamagitan ng edukasyong aming naibahagi at inyong nakamit, kayo ay maging makabuluhang mamamayan ng inyong pamayanan, makapag-ambag sa lipunan, maging matatag na haligi ng ating bansa at makapagbahagi nang mabuti sa mundong ating ginagalawan.
Taos-pusong pasasalamat at malugod na pagbati sa lahat. Dahil sa inyo, tunay nga na nagniningning ang umaga at kumakaway ang magandang bukรกs.
____________
๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐:
https://r2deped-my.sharepoint.com/:f:/g/personal/alexander_respicio_r2_deped_gov_ph/EjCY-7_AJR1GhTkYquQy2KsBtjNCiF1hBDOzcs0hFd1tTw?e=AxOQeE