17/02/2026
MAY LIBRENG KAPON NGAYONG PEBRERO 24 SA PAWS! 💚
Katuwang ang Vets in Practice at sa tulong ng Globe at ng kanilang mga subscriber na nag-donate ng kanilang Globe Rewards points sa PAWS, kami ay maghahandog ng LIBRENG KAPON (SPAY/NEUTER) para sa mga indigent pet owners bilang pagdiriwang ng WORLD SPAY DAY sa Pebrero 24, Martes.
MAG-REGISTER NA: https://forms.gle/tTc22U6FATFTc1uk9
o i-scan ang QR code sa poster upang makapag-sign up.
Ito ay eksklusibo para sa mga indigent pet owners (mga hindi sumasahod o walang inaasahang kita na higit sa ₱14,000/buwan, kabilang ang mga kasapi ng 4Ps) at para lamang sa mga alagang:
✔️ ASPIN (Asong Pinoy/Native Dog) at PUSPIN (Pusang Pinoy/Native Cat)
✔️ 6 months hanggang 4 years old lamang
✔️ May dalawang bayag na nakalabas (para sa male ASPIN at PUSPIN)
✔️ Hanggang 20 kilos lamang ang timbang (para sa ASPIN)
Ang mga kuwalipikadong pet owners ay makatatanggap ng mensahe mula sa aming staff. May ₱200 reservation fee upang ma-secure ang slot, at ito ay ibabalik pagkatapos ng kapon procedure.
❗️PAALALA: HINDI TUMATANGGAP NG WALK-INS.
- Tanging mga pet owners na nakapagparehistro at nakatanggap ng kumpirmasyon mula sa aming team lamang ang maaaring makapagpakapon ng kanilang alaga.
- Limitado lamang ang slots at hanggang dalawang (2) alaga lamang ang maaaring tanggapin kada household.
- Dahil sa mataas na bilang ng mga “no-show” at “joy reserver” sa mga libreng kapon outreach ng PAWS, magkakaroon ng ₱200 refundable deposit sa oras ng booking. Ito ay ibabalik sa inyo pagkatapos makapon ang inyong alaga sa PAWS. Layunin nito na matiyak na makadadalo ang mga nagparehistro at hindi masasayang ang slot. Kung hindi makadalo ang nagpareserba, hindi na maibabalik ang ₱200 deposit at gagamitin ito para sa gastusing medikal ng mga shelter animals ng PAWS.
- Ang mga kumpirmadong aplikante ay kinakailangang magdala ng valid government-issued ID sa araw ng Spay Day upang makapasok sa PAWS.
Tulong-tulong tayo upang mapabuti ang buhay ng ating mga alaga at labanan ang pet homelessness!
KAPON ANG SOLUSYON! 🐾