24/04/2026
📢 PAUNAWA SA PUBLIKO
Magkakaroon po ng COMELEC Voter Registration para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
🗓 Petsa: Abril 25, 2026 (Sabado)
⏰ Oras: 8:00 AM – 5:00 PM
📍 Lugar: Barangay Bitnong Covered Court
Inaanyayahan ang lahat ng kwalipikadong residente na magparehistro, magpa-reactivate, magpa-transfer, o magpa-update ng kanilang voter records. Ang voter registration ay isinasagawa sa buong bansa hanggang Mayo 18, 2026 bilang paghahanda sa BSKE.
---
📌 MGA KAILANGANG DALHIN (REQUIREMENTS):
• Isang (1) valid government-issued ID na may larawan at pirma
(Halimbawa: National ID, Passport, Driver’s License, UMID, Postal ID, Student ID, at iba pa)
• Walang kinakailangang barangay certificate bilang requirement sa registration.
---
📌 PAALALA:
• Personal na magtungo sa registration site
• Sagutan ang application form at sumailalim sa biometrics (fingerprint, larawan, at pirma)
• Siguraduhing tama at kumpleto ang iyong impormasyon
---
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa inyong Barangay o sa pinakamalapit na tanggapan ng COMELEC.
Magparehistro at makilahok sa demokrasya!