10/10/2025
NA confined Po yong anak ko simula pa Po May 18,2025. Na Diagnosed Po siya ng CHD-TGA VSD PS SEVERE, PFO, PDA isang condition sa puso na kung saan ay baliktad Ang ugat nito.
Si Baby John Genesis Gacho Buscado Naconfined Po siya sa dahilan na tumirik na Po ung Mata Niya nagkaroon na Po pala siya ng multiple Brain abscess isang infection sa utak na kung saan ay nagkaroon ng maraming pigsa sa utak at nagputukan na Po pala ito sa loob. Si baby Po ay naoperahan agad ng May 19,2025 12:00am dinala Po siya sa OR para ei drained ung mga nana sa utak nya at naglagay din Po sila Ng EVD or drainage Ng nana at water sa ulo, nagkaroon Po Kasi ng Complications Ang Brain Abscess ni Baby nagkaroon Po siya ng Hydrocephalus kaya need din ma drained ung mga excess water na meron Po siya sa ulo Niya.
After ng operation ay 6days nanatili si baby Gen2 sa ICU at nailabas Po siya sa ward Doon kuna Po nakakausap Ang mga Doctors na ayon nga Po sa sinabi nila naapektuhan daw Po Ang paningin, at pandinig ni baby dahil sa Pag ruptured ng mga pigsa, after 1month Po akala Namin okay na ung lahat Hanggang sa nag 2months namn Po biglaan Po si baby na naghingal Hanggang sa natubuan na Po siya ,3 days Po siya na halos tulog lang hirap Po siya gisingin at nag desisyon nga Po Ang mga Doctors na I OR namn Po si baby .
2nd operation Niya Po nong July 23, 2025 ,nag drained Po sila ulit ng nana and water and the same time naglagay ulit ng EVD sa ulo Niya at may OMMAYA Shunt narin Po na nilagay, ndi pa Po Kasi siya malagyan ng permanent shunt sa dahilan na may mga infections pa Po siya. 1month si baby na naka tubo Po nito para tulungan siyang huminga.
After 1month Po agad si baby Po ay nag undergo ulit ng another surgery ito namn Po yong Tracheostomy, maglalagay ng tubo sa lalamunan dahil baka Po pag tinangal ung tubo ay matulog tulog namn siya ndi Po maganda sa condition Niya ung ganun.
After Po ng 3 surgery Niya okay2 na Po si baby awa ng Diyos pero nitong nakaraan lang Po nagkaroon namn Po si Baby ng Severe Acid reflux and may kasamang dugo na Po Ang kanyang dume kaya need din Po siya e colonoscopy .
Pero inuna Po Muna ung kanyang Shunt , October 2, 2025 nag undergo namn Po siya ng shunting 2 shunt Po ung insert sa kanya dahil sa progressive Po ung Hydrocephalus niya at nagkaroon ng wall sa pagitan ng daluyan ng tubig sa kanyang ulo kaya need na 2shunt Ang ilagay , kasalukuyang pong nagpapagaling si baby ngaun . Halos 5months na Po kame Dito sa hospital nakaka overwhelmed na Po ung gastos araw2 .nalapitan narin Po Namin lahat ng mga government agencies na pdi Namin malapitan Ang kaso mga guarantee letter Po nakakukuha Namin .
Kaya lumalapit Po ako sainyo ng tulong kahit maliit man o Malaki napakalaking bagay na Po sa Amin para sa magiging gastusin Namin Dito sa hospital araw2 .
pacencia na Po kau bilang isang nanay Po lahat Po gagawin ko para madugtungan Ang Buhay ng anak ko dahil lumalaban Po siya though sinabi na Ng mga Doctor na may part na ng brain Niya na total damage Niya nananalangin nalng Po ako na sa awa ng Diyos ay Makita ko Po ung anak ko na magawa Niya Po ung nagagawa Niya dati .
09467166290 JESICA G.