13/03/2026
https://www.facebook.com/share/1Cs5juoYKF/
𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦𝗜𝗠𝗣𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗦𝗘𝗦𝗢, 𝗛𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗕𝗜𝗟𝗜𝗦 𝗡𝗔 𝗚𝗜𝗡𝗛𝗔𝗪𝗔
Mas pinadali pa ng pamahalaan ang proseso ng pagkuha ng P5,000 na para sa mga public utility vehicle (PUV) drivers na apektado ng pagsirit ng presyo ng langis bunsod ng tensiyon sa .
Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian, hindi na magsasagawa ng interview o manghihingi ng ibang valid ID ang mga awtoridad para gawing mas mabilis ang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa mga apektado ng krisis.
“Alam mo ang laging sinasabi ng Presidente sa akin: Matulungan yung mga nangangailangan, pero huwag na natin silang [papabalik-balikin] at pahirapan,” saad ng kalihim.
Sisimulan sa Martes, Marso 17, ang cash aid distribution sa 39 payout sites sa buong Metro Manila, kung saan uunahin ang nasa 139,000 na tricycle drivers at susundan ng iba pang PUV drivers, kabilang na ang jeepney, taxi, bus, at transport network vehicle service (TNVS) drivers.
Paglilinaw ng DSWD, isasagawa ang pamamahagi ng sa loob ng tatlo hanggang limang araw para hindi maantala ang pamamasada at hanapbuhay ng mga tsuper.
PARA SA IBA PANG DETALYE, PANOORIN: https://youtu.be/a86DRQRfoI8?si=7r4PlQB0PyGh5-Sy