18/02/2026
REFORESTATION SA DRT! 🌳
Pinalalakas ang pangangalaga sa kalikasan sa Bulacan matapos lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Central Luzon at ang V On Wings, Inc.
Layunin ng kasunduan na palawakin at pabilisin ang reforestation efforts sa Doña Remedios Trinidad (DRT), isang lugar na kilala sa malawak nitong kagubatan at kabundukan.
Sa pamamagitan ng public-private partnership, inaasahang mas mapapalakas ang pagtatanim ng puno, rehabilitasyon ng watershed areas, at pangmatagalang pangangalaga sa likas-yaman ng lalawigan.