04/04/2026
Philippine Red Cross Zamboanga del Norte Strengthens Holy Week Safety Efforts at Linabo Peak
DIPOLOG CITY | Matagumpay na isinagawa ng Philippine Red Cross Zamboanga del Norte Chapter ang Holy Week 2026 Operations noong Abril 2–3, 2026 sa 3003 Steps to Linabo Peak sa Barangay Lugdungan, Dipolog City.
Humigit-kumulang 50 Staff at Volunteers ang na-deploy, kabilang na ang Emergency Medical Services (EMS), Emergency Response Unit (ERU), Welfare Desk, at Red Cross Youth Councils (RCY), upang magbigay ng paunang lunas, tumugon sa minor injuries, at magsagawa ng vital signs monitoring para sa mga deboto at hikers. Isinagawa ang operasyon katuwang ang iba’t ibang ahensiya ng Siyudad ng Dipolog at Probinsya ng Zamboanga del Norte upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan sa lugar.
Patuloy pa rin ang Philippine Red Cross Zamboanga del Norte Chapter sa pagbibigay ng serbisyong makatao para sa ligtas at makabuluhang paggunita ng Semana Santa.
Volunteers + Logistics + Information Technology = A Red Cross that is Always First, Always Ready, and Always There.
Red Cross Youth- Zamboanga Del Norte Chapter