25/08/2024
Ipinagdiriwang sa bawat huling lunes ng Augusto bawat taon ang National Heroes Day, ito ay pag-alala sa Sigaw ng Pugad Lawin na naganap noong Augusto 1896, ito ang simula ng Philippine Revolution laban sa mga Espanyol.
Ang eksaktong petsa at lugar ay mahabang panahon na pinag-debatihan, nagsimula noong 1911 hanggang sa taong 1962, sa kinalap na datus nalinawan ang lahat na naganap talaga ito sa Balintawak (ngayon ay ang Balingasa sa Quezon City) noong August 26, 1896.
Noong 1993 nabuo ang National Heroes Committee sa ilalim ng Executive Order No. 75, na layunin tukuyin kung sino dapat ang ma-proklama bilang mga dakilang bayani, ang mga miyembro nito ay nagbigay ng mga pangalan ng mga bayani, ito ang mga sumusunod; Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini, Marcelo H. del Pilar, Muhammad Dipatuan Kudarat, Juan Luna, Melchora Aquino at Gabriela Silang.
Ngunit tumutol ang ilan sa pagiging bahagi ng Top 9 ni Emilio Aguinaldo, dahil ito daw ang nagpapatay sa magkapatid na Bonifacio, maging kay Antonio Luna.
Ayaw ding maisama si Juan Luna sa Top 9, dahil pinatay nito ang kanyang biyenan at asawa sa France dahil sa selos, mula noon wala ng na-proklamang pinakadakilang bayani ng ating bansa, dahil sa debate ng ugali at dahas ng dalawa.
Lumutang sa mga nagdaang panahon, ang mga nagawa at kabayanihan nina Jose Abad Santos at Josepha Llanes Escoda na piniling manatili sa Pilipinas sa gitna na pananakop ng Hapon, mga nanindigan para sa dangal ng bayan.
Isa sa huling dakila, ay Ramon Magsaysay na nilabanan ang mga traydor ng bayan na may repusasyon ng kalinisan sa kanyang pamumuno bilang Presidente.
Wala mang batas o Toplists ng mga dakilang bayani, makikita sa mga lugar, eskwelahan, kalsada, probinsya ang kanilang mga pangalan, gaya ni Jose Rizal.
Saludo kami sa lahat ng mga bayaning pinagtanggol ang bayan kahit walang pabuya, walang bayad at walang kapalit na pera o posisyon, sila ang mga tunay na bayani na hindi natin dapat kalimutan, Happy National Heroes Day.