BHW Federation - Iloilo Province

BHW Federation - Iloilo Province Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BHW Federation - Iloilo Province, Nonprofit Organization, Dingle.

15/05/2026
15/05/2026

๐— ๐—ฎ๐—ด-๐—•๐—ฃ ๐—–๐—ต๐—ฒ๐—ฐ๐—ธ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—น๐˜†!

Ipinagdiriwang ngayong Mayo ang Hypertension Awareness Month upang bigyang-diin ang panganib ng mataas na presyon ng dugo. Ang hypertension ay madalas na walang nararamdamang sintomas, kaya mahalaga ang regular na pag-monitor ng blood pressure. Ugaliin ang TED o Tamang pagkain, Ehersisyo, at Disiplina at huwag kalimutang inumin ang maintenance na gamot upang makaiwas sa malalang komplikasyon.

Huwag hayaang maging huli ang lahat dahil ang pag-iingat sa puso ay pag-iingat sa buhay.

Maaaring magtungo sa inyong lokal na Health Center upang magpa-check ng presyon at makakuha ng payong medikal. Bisitahin din ang opisyal na website at mga social media page ng DOH para sa iba pang impormasyon.

15/05/2026

๐—•๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—›๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ ๐—ง๐—ฎ๐˜†๐—ผ: ๐—›๐—ฒ๐—น๐—บ๐—ฒ๐˜ ๐—ข๐—ป, ๐—•๐˜‚๐—ฐ๐—ธ๐—น๐—ฒ ๐—จ๐—ฝ!

Tuwing Mayo ay ginugunita ang Road Safety Month upang paigtingin ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng kaligtasan sa kalsada. Sa pamamagitan ng kampanyang โ€œBiyaHero Tayo,โ€ hinihikayat ang lahat na gawing ligtas ang bawat biyahe sa pamamagitan ng tamang pagsusuot ng helmet at seatbelt.

Siguraduhing DTI-approved at tamang sukat ang helmet, habang ang lahat ng pasahero ay dapat naka-seatbelt nang maayos, kabilang ang mga nasa likurang upuan. Ang simpleng pag-iingat ay malaking hakbang upang makaiwas sa malubhang pinsala at aksidente sa kalsada.

Maging responsableng motorista at pasahero. Sa bawat biyahe, piliin ang kaligtasan dahil bawat buhay ay mahalaga.

15/05/2026

๐—Ÿ๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐˜‚๐—ฏ๐˜‚๐—ป๐˜๐—ถ๐˜€ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต๐˜† ๐˜€๐—ถ ๐— ๐—ผ๐—บ๐—บ๐˜† ๐—ฎ๐˜ ๐—•๐—ฎ๐—ฏ๐˜†!

Ang ikalawang linggo ng Mayo ay ginugunita bilang Safe Motherhood Week upang paalalahanan ang bawat ina at pamilya na mahalaga ang tamang pangangalaga bago, habang, at pagkatapos manganak. Ang regular na prenatal check-up, panganganak sa health facility, at postnatal care ay mahalaga upang mapanatiling ligtas at malusog si mommy at baby.

Magpatingin nang hindi bababa sa walong beses habang buntis at huwag kalimutang magpa-checkup matapos manganak upang maagapan ang anumang komplikasyon.

Alagaan si Mommy ngayon para sa mas ligtas at mas malusog na bukas ni baby.

Para sa karagdagang impormasyon at serbisyo, bumisita sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.

12/05/2026

โ€ผ๏ธโ€™WAG PAGLARUAN ANG ABO GALING SA BULKAN; ALAMIN ANG ALTERNATIBONG PROTEKSYON SA BAGA KUNG WALANG N95 MASKโ€ผ๏ธ

Detalye sa comment section

12/05/2026

Address

Di**le

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BHW Federation - Iloilo Province posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share