Maedup Magka-iisin I Dumaget De Matawe Asosasyon

Directions

Maedup Magka-iisin I Dumaget De Matawe Asosasyon Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Maedup Magka-iisin I Dumaget De Matawe Asosasyon, Community Organization, Sitio Cabog, Barangay Matawe, Dingalan.

30/06/2026
30/06/2026
๐Ÿ’š SUSTAINING GAINS, SAFEGUARDING COMMUNITIES! โ›ฐ๏ธ๐ŸคIsang makasaysayang hakbang para sa kalikasan at sa ating lupang ninuno...
30/06/2026

๐Ÿ’š SUSTAINING GAINS, SAFEGUARDING COMMUNITIES! โ›ฐ๏ธ๐ŸคIsang makasaysayang hakbang para sa kalikasan at sa ating lupang ninuno! Ang MAEDUP Mag-kaiisin I Dumaget De Matawe Asosasyon ay opisyal na lumahok sa ginanap na SGP-7 Aurora Landscape Forum: Sustaining Gains, Safeguarding Communities, and Building Transitions nitong Hunyo 25โ€“27, 2026 sa Olive Town Center and Hotel, Baguio City.

Mga Mahahalagang Kaganapan para sa MAEDUP:
๐Ÿ”น SGP Updates mula sa PMU: Isang mahalagang bahagi ng programa ang pagbabahagi ng SGP 7 at SGP 8 Project Updates na direktang inihatid ni G. Errol A. Gatumbato, ang National Coordinator ng GEF Small Grants Programme-7 Project Management Unit (PMU), kasama ang pagbibigay ng kanyang Inspirational Message para sa lahat ng mga grantee.
๐Ÿ”น Ceremonial Signing ng Tripartite Memorandum of Agreement (MOA): Opisyal na nilagdaan ng ating Pangulo, Emily C. Dumaya, ang kasunduan kasama ang ASCOT at Tanggol Kalikasan upang mas patatagin ang pagpapatupad ng mga proyekto sa ating komunidad.
๐Ÿ”น Project Updates & Assessment: Nagkaroon ng pagkakataon na ibahagi ang ating mga karanasan, hamon, at mga natutunang aral (lessons learned) sa pagpapatupad ng nakaraang proyekto.
๐Ÿ”น SGP-8 Proposal Enhancement Workshop: Sa gabay ng ating coach na si Dr. RB J. Gallego mula sa ASCOT IEG at sa tulong ng mga alituntunin, mas pinaganda at pinatibay pa natin ang ating bagong Project Proposal para sa SGP-8 upang mas marami pang katutubong pamilya ang matulungan.
๐Ÿ”น Alternative Dispute Resolution & Effective Communication Training: Karagdagang kaalaman para sa mas maayos na pamamahala at ugnayan sa loob ng komunidad. Isang malaking pasasalamat sa SGP PMU at sa lahat ng mga kasama at kasosyo sa proyektong ito. Patuloy tayong magkakaisa para sa mas matatag na landscape, mas ligtas na pamayanan, at mas masaganang pangkabuhayan ng mga Dumaget sa Dingalan! ๐Ÿน๐ŸŒฟ

๐Ÿ“Œ ACTIVITY UPDATE: MATAGUMPAY NA PAGSULONG NG RESOLUSYON SA NCIP REGION IIIIsang mahalagang hakbang na naman ang ating n...
06/06/2026

๐Ÿ“Œ ACTIVITY UPDATE: MATAGUMPAY NA PAGSULONG NG RESOLUSYON SA NCIP REGION III

Isang mahalagang hakbang na naman ang ating naisakatuparan noong June 2, 2026 para sa Activity 1.2! Sa pangunguna ng ating masipag na Pangulo, si Gng. Emily C. Dumaya, matagumpay nating naihatid at napa-receive sa Tanggapan ng NCIP Region lll ang resolusyon para sa pagproseso at pagkuha ng NCIP Free, Prior, and Informed Consent (FPIC).

Naging mas matatag ang ating delegasyon sa mahalagang pagsama at paggabay sa Pampanga ng kinatawan mula sa NCIP Dingalan na si Ma'am Eleuteria G. Menzon.

Lubos ang ating pasasalamat sa Tanggapan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Region III sa pangunguna ni Regional Director, Atty. Roman A. Antonio, sa kanilang napakaluwag at mainit na pagtanggap sa ating koponan. Ang positibong pagtugon na ito ay nagpapatibay sa ating layunin na masigurong maayos at legal ang bawat hakbang ng ating proyekto.

"Isang produktibong pagkakataon! Matagumpay na naibahagi  ni Dr. RB  J. Gallego ng ASCOT-TK Institute of Environmental G...
11/04/2026

"Isang produktibong pagkakataon! Matagumpay na naibahagi ni Dr. RB J. Gallego ng ASCOT-TK Institute of Environmental Governance (IEG) bilang kinatawan ng Landscape NGO Hub, at mga Opisyal ng MAEDUP Mag-kaiisin I Dumaget De Matawe Asosasyon sa pangunguna ni Project Leader Emily C. Dumaya ang mga detalye ng ating SGP-7 project sa isang mahalagang pagpupulong kasama ang ating Municipal Mayor, Hon. Aurora Guzman Taay, ang ating Municipal Agriculturist (MAO) Engr. Jaires Fae P. Batas, at Municipal Environment and Natural Resources Officer (MENRO), Mr. John Mark N. Orlasan.

Layunin ng pag-uusap na ito na mas mapatibay ang koordinasyon ng MAEDUP Mag-kaiisin I Dumaget De Matawe Asosasyon at ng ating Lokal na Pamahalaan para sa ikatatagumpay ng mga programa sa kabuhayan at kalikasan sa Dingalan. Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta sa aming adhikain! ๐ŸŒŠ๐ŸŒพ

"

Inception Meeting and Project Presentation  Hall Purok 3, Matawe, Dingalan, Aurora                                      ...
10/04/2026

Inception Meeting and Project Presentation Hall Purok 3, Matawe, Dingalan, Aurora

"Isang matagumpay na Inception Meeting para sa proyektong โ€œPAGTATAG NG KARAGATANG NINUNO SA DINGALAN.โ€ ang idinaos noong Ika-31 ng Marso sa Barangay Matawe. ๐ŸŒŠโš“

Lubos ang aming pasasalamat sa ating mga panauhin mula sa LGU Dingalan, NCIP, PCG,MAO,BFAR Trival Chieftain,Brgy. Captain ng Matawe, at higit sa lahat, sa ating mga masusugid na miyembro ng MAEDUP Mag-kaiisin I Dumaget De Matawe Asosasyon . Ang inyong suporta at pakikibahagi ay mahalagang hakbang tungo sa pangangalaga ng ating yamang-dagat at sa paglakas ng ating komunidad.

Sama-sama nating protektahan ang ating kinabukasan! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ’ช

Address

Sitio Cabog, Barangay Matawe
Dingalan
3207

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Maedup Magka-iisin I Dumaget De Matawe Asosasyon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share