21/09/2025
Congratulations to Esmael S. Escot! ๐
Member of English Club and Governor of the General TLE Club, for successfully participating in the Bangsa Youth Parliament Academy (BYPA) held on September 15โ19, 2025, at Al-Nor Convention Center, Cotabato City.
Your English Club family is proud of you! ๐๐ค๐๐ค
๐๐๐๐๐ ๐๐๐ง๐๐ซ๐๐ฅ ๐๐๐ ๐๐ฅ๐ฎ๐ ๐๐จ๐ฏ๐๐ซ๐ง๐จ๐ซ ๐๐๐ค๐ข๐๐๐ก๐๐ ๐ข ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐๐๐ซ๐ฅ๐ข๐๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐๐๐๐๐ฆ๐ฒ
Ipinagmamalaki ng General TLE Club ng Datu Mantato National High School ang kanilang Governor, Esmael S. Escot, sa kanyang matagumpay na paglahok sa Bangsa Youth Parliament Academy (BYPA) na ginanap noong Setyembre 15โ19, 2025 sa Hall 1, Al-Nor Convention Center, Cotabato City.
Si Esmael Escot ay isa sa limampung (50) kabataang delegado mula sa Maguindanao, Cotabato City, at Special Geographic Area (SGA) ng BARMM na napili upang sanayin sa larangan ng paggawa ng batas, debate, pamamahala, at youth policymaking.
Ang limang araw na pagsasanay ay inorganisa ng Bangsamoro Youth Commission (BYC), katuwang ang Integrated Democracy and Development for Meaningful Progress, Inc. (IDDMP) at Konrad-Adenauer-Stiftung (KAS) Philippines, at sinuportahan ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) Transitional Development Impact Fund.
Natalakay sa akademya ang Kasaysayan ng Bangsamoro, Electoral Code, Resolution at Bill Drafting, Public Speaking, at Parliamentary Rules and Procedures. Nagsagawa rin ng mga aktibidad tulad ng Resolution Drafting, Candidatesโ Forum, Halalan ng mga Opisyal, at Simulation ng Committee at Regular Sessions.
Sa kanyang pagbabahagi, sinabi ni Esmael Escot:
Isa po ito sa mga hindi ko malilimutang karanasan bilang estudyante. Kahit wala akong kakilala noong una, hindi ko naramdaman na ako ay naiiba. Tinuring nila akong parang kapatid at mas lalo akong na-inspire na maging mas bukas sa mga bagong karanasan at kaalaman.
Dagdag pa niya, nais niyang ma-encourage ang lahat ng kabataan at ang kanyang mga kasamahan sa General TLE Club na huwag matakot mangarap at patuloy na magkaroon ng mga bagong kaalaman at karanasan upang higit pang mapabuti ang kanilang buhay bilang kabataan.
โ๏ธ: Governor Esmael S. Escot