06/03/2026
Assalamu โAlaykum Warahmatullahi Wabarakatuhu!
๐๐ง๐ ๐๐๐๐ผ๐ผ๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Ang ๐๐ค๐ก๐ฎ๐ฐ๐ฐ๐๐ญ๐ฎ ๐๐ฅ-๐๐ฎ๐ฌ๐ฅ๐ข๐ฆ๐๐ก ๐๐ข๐ง๐๐ฌ๐ก๐ซ๐ข ๐๐-๐๐'๐ฐ๐๐ก ๐๐ ๐๐ฅ-๐๐ฌ๐ฅ๐๐ฆ, ๐๐ง๐. (๐๐๐๐๐๐), sa pakikipagtulungan ng Al-Jalis As-Salih Inc. (AAI), ay matagumpay at matiwasay na naisagawa ang Iftaar Initiative para sa ating mga mahal na revert sisters nitong ika-5 ng Marso, 2026, na ginanap sa Islamic Center, Al-Jalis As-Salih Inc. (AAI), Cotabato City.
Layunin ng gawaing ito na pagtibayin ang ugnayan ng ukhuwwah (pagkakapatiran) at magbigay ng suporta sa ating mga kapatid na bago pa lamang yumayakap sa kagandahan ng Islam.
Bilang highlight ng programa, kinalugdan naming makasama at mapakinggan si kaka Roslainie Mamalaguia, SCL sa kanyang ibinahaging Muhadarah patungkol sa โIdeal Muslimah,โ kung saan binigyang-diin niya ang mga biyaya ng pagbabalik-loob sa Allah (SWT). Ibinahagi rin niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng matibay na pananampalataya, mabuting asal, at taos-pusong pagsunod sa mga aral ng Islam sa araw-araw na pamumuhay.
Sa pamamagitan ng kanyang makabuluhang mensahe, naipaalala sa mga sisters ang tunay na halaga ng pagiging isang mabuting Muslimah, ang pagiging mapagpakumbaba, matiyaga, at patuloy na nagsusumikap na mapalapit sa Allah (SWT). Ang kanyang mga salita ay nagsilbing inspirasyon at gabay para sa lahat na patuloy na magpakatatag sa kanilang pananampalataya at manatili sa tamang landas ng Islam
_____
Higit sa pagsasalo-salo sa pagkain sa oras ng Iftaar, ang pagtitipon na ito ay naging espasyo para sa pagdadamayan at pagtutulungan. Ang UMLADI at AAI ay nananatiling tapat sa kanilang adhikain na palaganapin ang Daโwah at tiyaking walang kapatid ang naiiwan sa kanilang pag-unlad sa Deen.
Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga donors, volunteers, at sa pamunuan ng Al-Jalis As-Salih, Inc. Cotabato City Chapter na naging instrumento upang maging matagumpay ang gawaing ito.
Alhamdulillahil ladhi biniโmatihi tatimus saalihat ๐