Union of Journalists of the Philippines - UP

Directions Contact the organization

Union of Journalists of the Philippines - UP Nagsusulat, nag-uulat at nagmumulat.

The Union of Journalists of the Philippines-University of the Philippines (UJP-UP) is the student and research arm of the National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), one of the leading media guilds in Asia. Based in the University of the Philippines College of Mass Communication, it is an academic political union of students committed to advancing pro-masses and pro-student ideals and promoting advocacy journalism and media ethics.

STOP, LOOK, & READ: Agapay donation drive update!Taos-puso kaming nagpapasalamat sa mga nagpaabot ng donasyon para sa Ma...
22/09/2026

STOP, LOOK, & READ: Agapay donation drive update!

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa mga nagpaabot ng donasyon para sa Mamalakaya ng Navotas!

Sa kasalukuyan, nakalikom na ang Agapay ng P3,700.00! Ngunit hindi rito natatapos ang aming pagkatok sa inyong mga butihing puso. Bukas pa rin po ang Agapay sa pagtanggap ng inyong mga donasyon upang mas madagdagan pa ang ating maipapamahagi sa komunidad ng mga Mamalakaya sa Navotas.

Anumang halaga ang inyong donasyon, malaking tulong ito para sa komunidad.

Muli, lubos ang aming pasasalamat sa mga nagpaabot at magpapaabot pa ng mga donasyon.

Maaaring magpadala ng donasyon sa mga sumusunod na bangko:

Gotyme
010368560969
Julia Mari Martinez

GCash
09628977268
Allyana B.

Maya
+639952070534
Nimuae Lexine CariΓ±o

Landbank
0486 1296 03
Eunicito O Barreno

Metrobank
2743274825198
Marc Andre Esguerra

Hinihiling din ng Unyon na sagutan ito upang maitala ang iyong donasyon:
https://tinyurl.com/AgapayYear7GoogleForms

Maaaring i-track ang mga donasyon dito:
https://tinyurl.com/AgapayYear7Tracker

Puwede ring i-email sa [email protected] o i-message sa aming page ang screenshot o larawan ng resibo ng iyong donasyon.

In partnership with:
Philippine Collegian
UP Engineering Student Council
UP Engineering Freshie Council
UP Journalism Club



πŸ›’ Pabili! Bukas pa ba? Bukas na bukas pa ang UJP Tindahan for you! Your favorite fun and witty stickers are still here! ...
22/09/2026

πŸ›’ Pabili! Bukas pa ba? Bukas na bukas pa ang UJP Tindahan for you!

Your favorite fun and witty stickers are still here! Cute stickers? CHECK! Relatable designs? CHECK! Quality? CHECK NA CHECK!

At kung gusto mo naman manalo ng something soft, buttery🧈 and .... squishy (?!), join UJP Raffle now for only 30 pesos per entry!

Maaari pa rin kayong mag order ng stickers sa UJP Tindahan, at mag avail ng raffle entry for a very affordable price hanggang bukas ng tanghali (Set. 23, 12:00NN). Just visit our google form links!

πŸ›’ UJP Tindahan:
https://bit.ly/UJP38Tindahan
https://bit.ly/UJP38Tindahan
https://bit.ly/UJP38Tindahan

🎟UJP Raffle:
https://tinyurl.com/UJPRaffle
https://tinyurl.com/UJPRaffle
https://tinyurl.com/UJPRaffle

In partnership with:
Philippine Collegian
UP Engineering Student Council
UP Engineering Freshie Council
UP Journalism Club




β€˜BAHAIN NG PROTESTA ANG MGA KORAP AT PAHIRAP’MGA LARAWAN: Nagmartsa mula Liwasang Bonifacio patungong Mendiola ang malaw...
21/09/2026

β€˜BAHAIN NG PROTESTA ANG MGA KORAP AT PAHIRAP’

MGA LARAWAN: Nagmartsa mula Liwasang Bonifacio patungong Mendiola ang malawakang hanay ng mga estudyante at multisektoral na grupo bilang paggunita sa ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar na may temang β€œBaha ng Protesta,” Lunes, Set. 21.

Ipinanawagan ng mga progresibong grupo ang pagpapanagot sa mga sangkot sa mga maanomalyang flood control project at ibang anyo ng katiwalian, hustisya para sa biktima ng karahasan ng estado, at pagbasura sa dayuhang proyekto na Pax Silica. Kasama rin sa kanilang mga inirehistrong panawagan ang pagpapatalsik sa tambalang Marcos-Duterte.

Dinaluhan ng libo-libong Pilipino ang kilos-protesta, kabilang ang kilalang mga tanggol-karapatan gaya nina Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Chairperson Teddy CasiΓ±o, Atty. Rod Domingo ng Movement Against Disinformation (MAD), at Youth Rage Against Corruption National Convenor Joaquin Buenaflor.

Sigaw mula sa hanay ng mga progresibong grupo ang hindi pagbaon sa limot ng madugo at malagim na kasaysayan ng Batas Militar. Hinimok din nila ang lahat ng dumalo na manindigan at magpatuloy sa paglaban upang mapanagot ang lahat ng sangkot sa katiwalian mula sa tuktok ng administrasyon ni Marcos Jr.

Sulat ni Aliyah Magbitang
Kuha nina Aliyah Magbitang at Rafael Asonza





21/09/2026

'MAKIBAKA, HUWAG MATAKOT!'

PANOORIN: Matagumpay na nakapagkasa ng programa sa Mendiola ang mga sektoral na grupo para sa "Baha ng Protesta" matapos harangin ng pulisya.

Patuloy ang kanilang tindig laban sa korapsyon at katiwalian, mula sa diktadura ng Marcos Sr. hanggang sa administrasyon ni Marcos Jr.

Sulat ni Janna Patricia Capule
Kuha ni Joshua Buenviaje





TINGNAN: Nakaharang na ang pulisya sa kahabaan ng Loyola Street patungong Mendiola bago pa man makaabot ang multi sektor...
21/09/2026

TINGNAN: Nakaharang na ang pulisya sa kahabaan ng Loyola Street patungong Mendiola bago pa man makaabot ang multi sektoral na hanay para magdaos ng programa sa naturang lugar.

Magkakaroon muna umano ng negosasyon sa pagitan ng mga pulis at raliyista bago sila makausad patungong Mendiola.

Sulat ni Joshua Buenviaje





21/09/2026

PANOORIN: Binabaybay ng mga progresibong grupo at mag-aaral mula sa iba't ibang unibersidad ang daan patungong Mendiola mula Liwasang Bonifacio, Set. 21.

Bitbit pa rin ang mga sektoral na panawagan, makikiisa sila sa mas malawakang hanay upang gunitain ang ika-54 na anibersaryo ng batas militar at kondenahin ang deka-dekadang anomalya sa pamahalaan.

Sulat ni Joshua Buenviaje





21/09/2026

β€˜ANG PROBLEMA, SI MARCOS MISMO’

PANOORIN: Binigyang-diin ni Teddy CasiΓ±o, chairperson ng grupong Bayan, na ang deklarasyon ng batas militar ni Ferdinand Marcos Sr. ay suliraning nag-udyok sa pag-igting sa diwa ng aktibismo sa bansa.

Ngayong ika-54 na paggunita sa madilim na yugto ng bansa sa Liwasang Bonifacio, Set. 21, iginiit ni CasiΓ±o na umatikabo ang diwa ng progresismo dahil sa mga polisiya ni Marcos Sr. na mas lalong nagpahirap sa masang Pilipino.

β€œAng mga progresibo [at] mga rebolusyonaryo [ay dala ang] solusyon sa krisis na ang nagdulot ay si Marcos at ang sistemang kaniyang kinakatawan,” dagdag ni CasiΓ±o.

Sulat ni Joshua Buenviaje





21/09/2026

'MAKIBAKA, HUWAG MAPAGOD!'

PANOORIN: Aktibong nakiisa ang mga senior citizen sa ika-54 anibersaryo ng batas militar sa programa ng "Baha ng Protesta" sa Liwasang Bonifacio, Set. 21.

"Hindi kami ang nagnakaw ng bilyon-bilyon. Kaya [kaming] mga seniors, kumikilos pa rin hanggang ngayon dahil ayaw namin ipamana sa aming mga angkan, sa mga future generations ang isang bansa na puno ng korapsyon at opresyon," ani Grandy Constantino ng Seniors Kontra Kurakot.

Kuha at sulat ni Janna Patricia Capule





TINGNAN: Nagtipon-tipon ang iba’t ibang sektor at progresibong grupo sa Liwasang Bonifacio bitbit ang panawagang huwag i...
21/09/2026

TINGNAN: Nagtipon-tipon ang iba’t ibang sektor at progresibong grupo sa Liwasang Bonifacio bitbit ang panawagang huwag ibaon sa limot ang malagim na kasaysayan ng batas militar, Set. 21.

Kaugnay nito ang pagpapatambol ng mga hinaing patungkol sa flood control projects, Pax Silica, at patuloy na pamamayagpag ng mga dinastiya sa pamahalaan.

Ilan sa mga grupong nakiisa sa protesta ay ang Makabayan, Bayan, Piston, Kadamay, at mga mag-aaral mula sa iba’t ibang unibersidad.

Sulat at kuha ni Joshua Buenviaje





β€˜NEVER AGAIN, NEVER FORGET!’MGA LARAWAN: Naglunsad ng kilos-protesta ang nagkakaisang puwersa ng mga estudyante at miyem...
21/09/2026

β€˜NEVER AGAIN, NEVER FORGET!’

MGA LARAWAN: Naglunsad ng kilos-protesta ang nagkakaisang puwersa ng mga estudyante at miyembro ng komunidad sa Bulwagang Quezon, ngayong Set. 21, para sa taunang β€˜Day of Remembrance’ ng ika-54 na taong anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar.

Bitbit ng mga Iskolar ng Bayan ang kanilang mga panawagang pagbasura sa Pax Silica, hustisya para sa mga biktima ng karahasan, pagbitiw ng Marcos at Duterte sa pwesto, paghingi ng pananagutan sa gobyerno laban sa korapsyon at pagtutol sa bilyong budget cuts sa sektor ng edukasyon.

Pagkatapos ng programa sa Quezon Hall, nagtungo ang hanay ng UP Diliman sa Liwasang Bonifacio upang makiisa sa mas malawak na programang, β€œBaha ng Protesta” para mapanagot ang sangkot hanggang sa tuktok.

Ginugunita rin ngayong araw ang unang anibersaryo ng Baha sa Luneta at Trillion Peso March kung saan pinatambol ng mga Pilipino mula sa iba’t ibang sektor ang kanilang panawagang panagutin ang mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Sulat at kuha nina Gabriel Oliva at Yvonne Margareth





Address

Diliman

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Union of Journalists of the Philippines - UP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Union of Journalists of the Philippines - UP:

Shortcuts

Share