21/09/2026
๐ข๐ค๐-๐๐ ๐ง๐ ๐๐ง๐ข๐๐๐ซ๐ฌ๐๐ซ๐ฒ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐๐ฌ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐๐ซ
Ang pag-alala ay isang paninindigan. Sa ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, binabalikan natin ang madilim na kabanata ng diktadurya hindi lang upang gunitain ang nakaraan, kundi upang maunawaan kung bakit mahalagang patuloy na ipaglaban ang mga karapatan at kalayaang ipinaglaban ng mga nauna sa atin. Mula sa pagkitil sa karapatan noong panahon ng diktadurya, hanggang sa patuloy na pagharap ng mamamayan sa mga krisis ngayon, hindi hiwalay ang nakaraan sa kasalukuyan.
Ngayong anibersaryo ng Martial Law, higit na mahalagang itanong: ano ang mga anyo ng panunupil at pagsasamantala na patuloy nating kinakaharap ngayon?
Sa harap ng patuloy na krisis sa edukasyon, muling nasa alanganin ang kinabukasan ng mga Iskolar ng Bayan. Habang ipinagmamalaki ng rehimen ang mga "programa" raw para sa kaunlaran, kinakaltasan naman ang pondong dapat nakalaan sa pampublikong edukasyon. Kinakaharap ngayon ng University of the Philippines ang panukalang pagbawas ng โฑ2.95 bilyon sa pondo ng UP System para sa 2027. Sa bawat kaltas sa edukasyon, lalong ipinapasa sa mga estudyante at mamamayan ang bigat ng krisis, mula sa kakulangan sa pasilidad at serbisyo hanggang sa patuloy na pagtaas ng gastos sa pag-aaral.
Kasabay nito, isinusulong ng rehimeng Marcos Jr. ang Pax Silica, isang US-led initiative na nakatuon sa pagtatayo ng advanced manufacturing hub sa New Clark City. Sa ngalan ng โdevelopmentโ at modernisasyon, muling inilalapit ng rehimen ang ating ekonomiya at likas na yaman sa interes ng imperyalistang-US. Sa halip na tunay na pambansang kaunlaran, inilalagay sa alanganin ang lupang ninuno, kabuhayan, kalikasan at pambansang soberanya upang bigyang-daan ang interes ng dayuhang kapital.
Ganito kumikilos ang rehimeng Marcos, kaltas sa serbisyong panlipunan, ngunit bukas-palad sa mga proyektong nagsisilbi sa interes ng dayuhan at malalaking negosyo. Habang kapos ang mga paaralan, ospital at mamamayan, patuloy namang isinusuko ang yaman at soberanya ng bansa sa mga dayuhang interes. Ang ganitong mga patakaran ay hindi hiwalay sa sistemang ipinagtanggol ng diktadurya noon: isang sistemang inuuna ang tubo, kapangyarihan at interes ng iilan kaysa sa kapakanan ng nakararami.
Kaya naman, ang pag-alala sa Martial Law ay hindi lang paglingon sa nakaraan. Ito ay panawagan na kilalanin at labanan ang mga porma ng pang-aapi at pagsasamantala na nagpapatuloy hanggang ngayon. Bilang mga kabataan at Iskolar ng Bayan, hindi tayo mananahimik habang kinakaltasan ang ating edukasyon, ipinagkakait ang karapatan ng mamamayan at isinusuko ang ating pambansang soberanya sa interes ng imperyalismo.
WALANG MAKALILIMOT. Habambuhay may pananagutan ang naghaharing rehimen sa sambayanan.
Labanan ang imperyalismo, pyudalismo at burukrata-kapitalismo!