UP Variates

UP Variates UP Variates is a duly recognized socio-academic organization based in the UP School of Statistics.

Pinakamataas na pagbati sa mga Variants na nagwagi sa Best Undergraduate Student Paper! Nawa'y sa inyong pananaliksik, n...
10/07/2026

Pinakamataas na pagbati sa mga Variants na nagwagi sa Best Undergraduate Student Paper! Nawa'y sa inyong pananaliksik, nabigyan ninyong tanglaw ang mga isyu at problemang kinahaharap ng bansa sa pamamagitan ng estadistika.

ESTADISTIKO NG BAYAN, TULOY-TULOY ANG LABAN!
PAGLINGKURAN ANG SAMBAYANAN!

PAGPUPUGAY VARIANTS ๐Ÿ’™Binabati ng University of the Philippines Variates ang aming mga miyembrong nagsitapos nitong nakar...
08/07/2026

PAGPUPUGAY VARIANTS ๐Ÿ’™

Binabati ng University of the Philippines Variates ang aming mga miyembrong nagsitapos nitong nakaraan. Nawa'y bitbitin niyo ang mga prinsipyo, paniniwala at diwa ng organisasyon sa magiging lakbay niyo sa labas ng unibersidad.

We love you!!! 10x

ESTADISTIKO NG BAYAN, TULOY-TULOY ANG LABAN!
PAGLINGKURAN ANG SAMBAYANAN!

NAGKAKAISANG PAHAYAG NG MGA ISKOLAR-ESTADISTIKO NG BAYAN HINGGIL SA NALALAPIT NA IMPEACHMENT TRIAL NI BISE PRESIDENTE SA...
30/06/2026

NAGKAKAISANG PAHAYAG NG MGA ISKOLAR-ESTADISTIKO NG BAYAN HINGGIL SA NALALAPIT NA IMPEACHMENT TRIAL NI BISE PRESIDENTE SARA DUTERTE

Mula sa hanay ng mga Iskolar-Estadistiko ng Bayan mula sa UP School of Statistics, patuloy na nakikiisa ang UP School of Statistics Student Council (UP Stat SC), UP Statistical Society (UP StatSoc), at ang UP Variates (UPV) sa panawagang panagutin na si VP Sara sa kaniyang pagbabalewala sa mga prinsipyo ng serbisyong pampubliko at pagtambol sa kampanyang IMPEACH SARA NOW!

ESTADISTIKO NG BAYAN, TULOY-TULOY ANG LABAN!
MULA SA TUKTOK, LAHAT NG SANGKOT, DAPAT MANAGOT!
BAGUHIN ANG SISTEMAโ€”LUMABAN, MAKIBAKA!

Basahin ang buong pahayag sa ibaba o sa pamamagitan ng link na ito: https://tinyurl.com/BantayImpeachmentStatement
https://tinyurl.com/BantayImpeachmentStatement
https://tinyurl.com/BantayImpeachmentStatement

ESTADISTIKO NG BAYAN, TULOY-TULOY ANG LABAN!
MULA SA TUKTOK, LAHAT NG SANGKOT, DAPAT MANAGOT!
BAGUHIN ANG SISTEMAโ€”LUMABAN, MAKIBAKA!

Me: Kyle, please give me 3 words and I will make a freestyle M21 rap out of them.Kyle: okie, ummm, Philips, pop, and bla...
11/05/2026

Me: Kyle, please give me 3 words and I will make a freestyle M21 rap out of them.
Kyle: okie, ummm, Philips, pop, and black.
Me: say no more

rap:
yoooooo!
I will make you study hard when I spit my bars

Come on, I will show you something that is beneficial
It's called Math21 Tutorial and it is not superficial
So what are you waiting for and come for a trip
If I'm not mistaken, your name is PHILIP?

When I was a freshie, I felt really sad
Because I felt like my scores had gone real bad
But after attending the review, I reached the top
It made me confident and my scores began to POP

So come on Philip, and register now,
The tutorial is online, wow!
So just sit, relax, and straighten your back
We will make your Fridays never colored in BLACK.

ok n b tong rap isang upuan ko lng to gnawa post niyo n mamaya

WHAT: ๐Œ๐š๐ญ๐ก ๐Ÿ๐Ÿ ๐‹๐„๐Ÿ’ ๐“๐ฎ๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐š๐ฅ
WHEN: ๐Œ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐Ÿ”, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” (๐’๐š๐ญ๐ฎ๐ซ๐๐š๐ฒ) | ๐Ÿ“:๐Ÿ‘๐ŸŽ ๐๐Œ - ๐Ÿ•:๐Ÿ‘๐ŸŽ ๐๐Œ
WHERE: ๐€๐ง๐ฒ๐ฐ๐ก๐ž๐ซ๐ž (๐Ž๐ง๐ฅ๐ข๐ง๐ž)

Register now:
https://tinyurl.com/Math21LE4TutorialReg
https://tinyurl.com/Math21LE4TutorialReg
https://tinyurl.com/Math21LE4TutorialReg

Google Meet link will be sent via email.

HIGIT SA PAGDIRIWANG, IPAGPATULOY ANG MILITANTENG DIWA NG UNYONISMO!Nakaukit sa palad ng uring manggagawa ang daang taon...
02/05/2026

HIGIT SA PAGDIRIWANG, IPAGPATULOY ANG MILITANTENG DIWA NG UNYONISMO!

Nakaukit sa palad ng uring manggagawa ang daang taong pakikipaglaban sa mapang-abusong sistema. Kahapon, unang araw ng Mayo, ipinagdiwang ang ika-124 anibersaryo ng makasaysayang Araw ng Paggawa sa Pilipinas kung saan din iginiit ng Unyon Obrero Democratica โ€” kasama ng daang libong mga manggagawang Pilipino at aktibista โ€” ang karapatan sa patas na sahod, mas maayos na kondisyon sa trabaho, at pagpapalayas sa mga mananakop na Estados Unidos.

Gayunpaman, halos parehas pa rin ang mga materyal na kondisyon sa kasalukuyang panahon.

Lumalala na nga ang krisis sa ekonomiya, produktong petrolyo at pangunahing bilihin, pinapatay pa ng kawalang pananagutan at hindi makatarungang sahod at kondisyon sa trabaho ang uring manggagawa.

Ilang buwan na ang lumipas, walang kagyat at kongkretong solusyon ang rehimeng Marcos-Duterte sa mga nagdaang Oil Price Hike para sa uring manggagawa. Barat na subsidiya at โ€œ4-day work weekโ€ na hindi man lamang masusing ikinonsulta sa direktang apektado. Wala ring aksyon sa mga neoliberal na polisiya na higit na nagpapahirap sa mga manggagawa kagaya ng Oil Deregulation Law kung saan hinahayaang ipasa ang kontrol ng presyo ng langis sa mga ganid na korporasyon.

Ayon sa pag-aaral ng IBON Foundation, ang average minimum wage ngayon ay nasa Php 505 araw-araw, sobrang laking agwat sa nakabubuhay na pasahod na Php 1277. Sa gitna ng patuloy na kampanya kaugnay nito, inanunsyo ng DOLE na hindi raw itataas ang minimum wage ngayong Araw ng Paggawa, kahit nagliliparan ang presyo ng mga bilihin. Magtatakda pa raw ng ilang โ€œpagsusuriโ€ na maaaring umabot hanggang Hulyo kahit nagugutom at namamatay na ang mga Pilipino. Hilaw na hilaw na ang pangangailangan, ang nakabubuhay na pasahod ay karapatang prayoridad na hindi dapat ikinukompromiso.

Hindi rin dapat kalimutan na sa kasalukuyang krisis, ang imperyalistang US ay sangkot. Magkaugnay pa rin ang estado at ang US na siyang pasimuno ng internasyunal na panggigipit sa langis at terorismo. Sa gerang agresyon ng imperyalistang US-ISRAEL, hindi makatatakas si Marcos Jr. na walang kibo at pananagutan. Sa halip na ilaan ang ating buwis para sa mga manggagawa, pinopondohan ang militarisasyon kasama ang Estados Unidos sa pamamagitan ng EDCA at VFA. Kitang-kita na traydor at mas inuuna pa ng administrasyon ni Marcos Jr. ang interes ng mga kanluranin kaysa sarili nitong bayan.

Dahil sa diwa ng militanteng unyonismo, hindi susuko ang mga manggagawa upang singilin ang mga ganid na korporasyon, burukrata kapitalista, at imperyalista. Kagaya na lamang ng nakaraang matagumpay na pagwelga ng unyon ng mga manggagawa sa Kowloon House, GLOWHRAIN - KMU, hindi magpapatinag ang uri sa pagpapanagot sa mga burukrata kapitalistang ginagawang negosyo ang serbisyo sa tao at ang mapanupil na rehimeng US-Marcos.

Pinapaigting ng patong-patong na krisis ang gampanin ng mga Iskolar-Estadistiko ng Bayan upang gamitin ang plataporma at gawing lunsaran ng estadistikang tunay, palaban, mapagpalaya, at makabayan. Pinatatambol nito na ang laban ng manggagawa ay laban din ng estadistika. Kasama ng uring manggagawa ang UP Variates upang ipaglaban ang unyonismong mapagpalaya at ipanawagan ang pagtaas ng sahod at pagpapaayos ng kondisyon sa buhay at kabuhayan.

Patunay ang kasaysayan ng unyonismo na makatwiran at epektibo ang pagkakaisa ng mga inaapi. Hindi magagapi ang militanteng unyonismo dahil takot ang lahat ng mga korap, pasista, at imperyalista sa organisadong lakas-paggawa. Sa huli, ang mga manggagawa ang magpapalaya sa ating bayan sa paghahari-harian ng imperyalistang US, dahil ang dugo ng mapagpalayang uring manggagawa kasama ang malawak na hanay ng masa, mula noon hanggang ngayon, ay dugong anti-imperyalista.

SAHOD ITAAS, PRESYO IBABA!
SERBISYO SA TAO, โ€˜WAG GAWING NEGOSYO!
MANGGAGAWANG KONTRAKTWAL, GAWING REGULAR!
UNYON NG MANGGAGAWA, ITAYO, IPAGLABAN!
OIL DEREGULATION LAW, IBASURA!
URING MANGGAGAWA, HUKBONG MAPAGPALAYA!
IMPERYALISMO, IBAGSAK!

STATEMENTNoong Abril 19, walang habas na pinaulanan ng bala ng 79th Infantry Batallion ng Armed Forces of the Philippine...
22/04/2026

STATEMENT

Noong Abril 19, walang habas na pinaulanan ng bala ng 79th Infantry Batallion ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental kung saan halos 168 na pamilya at 653 na mga indibidwal ang napilitang magbakwit sa kanilang mga tahanan.

Kaugnay nito, ibinabalita ng UP Diliman University Student Council na isa sa mga nasawi ang ating kapwa Iskolar ng Bayan na si USC Councilor Alyssa Alano dahil sa pasistang atake at panunupil ng militar sa Negros.

Mariing kinukundena ng UP Diliman USC ang ginawang pagpatay ng AFP kay Alyssa na isang inosenteng sibilyan.

Lubos ding tinututulan ng UP Diliman USC ang karumaldumal at paulit-ulit na paglabag ng reaksyunaryong gobyerno at ng kanilang mga mersenaryo sa karapatang pantao ng mamamayan ng Negros at maging sa mga aktibistang sumasandig sa laban ng masang api.

Sa kasalukuyan, si Councilor Alano ang Education and Research Councilor ng USC UP Diliman.

Nakipamuhay at nakipag-aralan si Alyssa sa hanay ng mga kapatid nating magsasaka mula sa Negros upang alamin ang kanilang tunay na kalagayan sa harap ng pangangamkam sa lupa, pagsasamantala, at militarisasyon.

Nananatili ang Negros bilang isa sa mga rehiyong may pinakamatinding militarisasyon at paglabag ng karapatang pantao. Pinaigting ng Memorandum Order 32, na naglagay sa Negros sa โ€œState of Lawless Violenceโ€, ang pagtaas ng presensya at operasyong militar sa rehiyon.

Walang habas ang mga mersenaryo sa pangangamkam ng lupa at pananamantala. Tumitindi ang pandarahas, pandadakip, at pagpatay ng mga magsasakang Negrense.

Nakita at naintindihan ni Councilor Alano ang kahalagahan sa paggamit ng kaniyang talino at lakas upang ipaglaban ang mga karapatan ng mga estudyante at batayang sektor, lalo sa pagtindi ng krisis sa ekonomiya.

Si Alyssa ay naging isang mahusay, masikhay, mapagmahal, at dakilang lider-estudyante at tunay na anak ng bayan.

Nagluluksa ang konseho at buong komunidad ng UP sa pagkawala ni Alyssa. Mahigpit ding nakikiramay ang konseho sa kanyang mga naiwang pamilya, kaibigan, at mahal sa buhay.

Buong tapang at buong pusong tinanggap ni Alyssa ang hamon sa bawat Iskolar ng Bayanโ€“ang paglingkuran ang sambayanan. Hinding-hindi natin siya malilimutan.

Nalulungkot ang buong konseho sa pangyayari, ngunit higit dito, pinipili ng UP Diliman USC na buong tapang at buong tatag na ipagpatuloy ang laban para sa hustisyang panlipunan at katarungan para sa lahat ng biktima ng pasismo ng kasalukuyang nabubulok na estado.

Hanggaโ€™t hindi nabibigyan ng solusyon ang ugat ng kahirapan, marami pa ang katulad ni Alyssa na handang pag-aralan ang lipunan at magiging handang ipaglaban ang isang lipunang malaya sa pagsasamantala. Hinding-hindi mapuputol ang diwa ni Alano sa malawak na hanay ng mga Iskolar ng Bayan na pahihigpitin pa lalo ang pagkakaisa para tuluyang magapi ang isang sistema ng lipunang mapang-api at mapagsamantala.

Iskolar ng Bayan, ipagpatuloy natin ang militanteng diwa ni Alyssa Alano!

Tumindig tayo, kasama ang bawat Iskolar ng Bayan, komunidad ng UP, at mamamayang Pilipino para sa tunay na kalayaan, katarungan, at hustisyang panlipunan!

Sumandig tayo sa laban ng mga magsasaka at lahat ng masang-api! Palakasin natin ang boses at pwersang yayanig sa sistemang mapang-api!

Alyssa, ang iyong buhay ay mananatiling isang maningning at matalas na tanglaw para sa bawat Iskolar ng Bayan, na patuloy na mangahas na makibaka at paglingkuran ang sambayanan!

Hustisya para kay Alyssa Alano!
Uphold International Humanitarian Law!
Militar sa Kanayunan, Palayasin!
Inutang na Dugo ng Pasistang Rehimen, Singilin, Singilin, Pagbayarin!

Ngayong ika-22 ng Abril, ginugunita natin ang Earth Day โ€” isang araw ng pagkilala sa kalagayan ng ating kalikasan at pan...
22/04/2026

Ngayong ika-22 ng Abril, ginugunita natin ang Earth Day โ€” isang araw ng pagkilala sa kalagayan ng ating kalikasan at panibagong panawagan para sa kolektibong pagkilos laban sa lumalalang krisis pangkapaligiran. Higit pa sa simbolikong pagdiriwang, paalala ito na ang laban para sa kalikasan ay kaakibat ng mas malawak na pakikibaka ng sambayanan para sa katarungang panlipunan, pang-ekonomiya, at pampulitika.

Sa kasalukuyan, ang krisis sa klima ay hindi na abstraktong banta kundi isang araw-araw na realidad. Ang patuloy na pagtaas ng heat index sa bansa ay indikasyon ng tumitinding krisis pangkaligtasan at pangkalusugan, lalo na para sa mga manggagawa, estudyante, at komunidad na walang sapat na proteksyon. Kasabay nito, lumalala rin ang kalidad ng hangin sa mga lungsod sa Metro Manila โ€” isang panganib kaugnay ng mga patakarang inuuna ang industriyal na interes kaysa sa kapakanan ng mamamayan. Sa ganitong kalagayan, malinaw na ang krisis pangkapaligiran ay resulta ng sistematikong kapabayaan at maling prayoridad ng pamahalaan.

Nananatiling pinakamalubha ang epekto ng krisis sa langis na dulot ng interbensyon at dominasyon ng imperyalismong US sa rehiyon. Dahil umaasa ang Pilipinas sa inaangkat na enerhiya, ang walang humpay na pag-atakeng ito ay isang malaking dagok sa kabuhayan ng ordinaryong Pilipino. Alinsunod sa pagsirit ng presyo ng langis ang pagtaas ng pamasahe, bilihin, at gastusin sa produksiyon. Pinalalala ito ng pakikipagsabwatan ni Marcos Jr. sa Estados Unidos sa porma ng balikatan exercises na walang ibang dulot kundi perwisyo sa kabuhayan ng mga magbubukid. Ang naturang ugnayan ang pumupondo sa militarisasyon sa kanayunan na nagluluwal sa pagkakapaslang ng mga lokal at pagkakawasak ng mga lupang ninuno. Sa katunayan, kakambal ng pagkasira ng kalikasan ang pagkayurak sa buhay ng mga mamamayang Negrense nang magpaulan ng bomba at bala ang 79th Infantry Battalion ng AFP. Dulot nito, higit kumulang 653 residente ang kinailangang lumikas. Bagaman hindi pa natitiyak ang bilang ng mga nasugutan o nasawi, patunay ang insidente na parehong ang kapaligiran at mga nangangalaga nito ang naaapektuhan sa naturang porma ng karahasan.

Sa ganitong gana, naninindigan ang UP Variates sa pagsusulong ng maka-agham at makamasang pag-unawa sa krisis pangkapaligiran. Nararapat na igiit ang International Humanitarian Law upang maprotektahan ang karapatan ng mga mamamayang kasangga ng kalikasan. Bilang mga Estadistiko ng Bayan, tungkulin nating gamitin ang datos, pagsusuri, pananaliksik, upang ilantad ang ugat ng mga suliraning ito at palakasin ang kolektibong pagkilos para sa tunay na pagbabago. Hindi sapat ang mga pansamantalang solusyon. Kinakailangan ang malalim at sistemikong pagkumpuni upang matiyak ang tunay na pangangalaga sa kalikasan at mga Pilipino.

Ang Earth Day ay hindi lamang paggunitaโ€”ito ay panawagan sa pagkilos. Sa paglala ng krisis pangkapaligiran at pangkabuyahan, lalo nating pinatitibay ang ating panawagan:

Ipaglaban ang kapaligiran.
Ipaglaban ang sambayanan.

๐”œ๐”ฌ๐”ฒ๐”ซ๐”ค ๐”ฐ๐”ฑ๐”ฒ๐”ซ๐”ซ๐”ž ๐Ÿ˜Žโ„‘'๐”ช ๐”ž ๐”Ÿ๐”ฆ๐”ค ๐”Ÿ๐”ฌ๐”ฐ๐”ฐ ๐”ฌ๐”ช๐”ž ๐Ÿ’ช๐“ข๐“ช ๐“ฝ๐“พ๐“ฝ๐“ธ๐“ป๐“ฒ๐“ช๐“ต ๐“ฝ๐“ช๐“ป๐“ช ๐Ÿ‘จโ€๐Ÿซ๐“Ÿ๐“ช๐“ป๐“ช ๐“ญ๐“ฒ๐“ฏ๐“ฏ๐“ฎ๐“ป๐“ฎ๐“ท๐“ฝ๐“ฒ๐“ช๐“ต๐“ผ ๐Ÿงฎ๐“ช๐”‚ ๐“ด๐“ช๐”‚๐“ช๐“ท๐“ฐ-๐“ด๐“ช๐”‚๐“ช ๐Ÿ’ฏ๐Ÿšจ๐•‹โ„๐•€๐•Š ๐•€๐•Š ๐•Š๐•† ๐”ธ๐•ƒ๐”ธโ„๐•„๐•€โ„•๐”พ ๐ŸšจBalita k...
15/04/2026

๐”œ๐”ฌ๐”ฒ๐”ซ๐”ค ๐”ฐ๐”ฑ๐”ฒ๐”ซ๐”ซ๐”ž ๐Ÿ˜Ž
โ„‘'๐”ช ๐”ž ๐”Ÿ๐”ฆ๐”ค ๐”Ÿ๐”ฌ๐”ฐ๐”ฐ ๐”ฌ๐”ช๐”ž ๐Ÿ’ช
๐“ข๐“ช ๐“ฝ๐“พ๐“ฝ๐“ธ๐“ป๐“ฒ๐“ช๐“ต ๐“ฝ๐“ช๐“ป๐“ช ๐Ÿ‘จโ€๐Ÿซ
๐“Ÿ๐“ช๐“ป๐“ช ๐“ญ๐“ฒ๐“ฏ๐“ฏ๐“ฎ๐“ป๐“ฎ๐“ท๐“ฝ๐“ฒ๐“ช๐“ต๐“ผ ๐Ÿงฎ
๐“ช๐”‚ ๐“ด๐“ช๐”‚๐“ช๐“ท๐“ฐ-๐“ด๐“ช๐”‚๐“ช ๐Ÿ’ฏ

๐Ÿšจ๐•‹โ„๐•€๐•Š ๐•€๐•Š ๐•Š๐•† ๐”ธ๐•ƒ๐”ธโ„๐•„๐•€โ„•๐”พ ๐ŸšจBalita ko may tutorial muli?! Handog sa inyo ng ARC! ๐‡๐€๐๐ƒ๐Ž๐†?? hatdog emeโ€ฆ Tapos afaik dalawa raw yung tutor?!?! ๐’ข๐’ช๐’ช๐’Ÿ๐’ฉ๐ธ๐’ฎ๐’ฎ ๐’ข๐‘…๐’œ๐’ž๐ผ๐’ช๐’ฐ๐’ฎ, REG IS IS IS TER IS NEOW!!! ๐—ฎ๐—ป๐—ผ, ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ?

WHAT: ๐Œ๐š๐ญ๐ก ๐Ÿ๐Ÿ ๐‹๐„ ๐Ÿ‘ ๐“๐ฎ๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐š๐ฅ
WHEN: ๐€๐ฉ๐ซ๐ข๐ฅ ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” (๐“๐ฎ๐ž๐ฌ๐๐š๐ฒ) | ๐Ÿ“:๐Ÿ‘๐ŸŽ - ๐Ÿ•:๐Ÿ‘๐ŸŽ ๐๐Œ
WHERE: ๐”๐ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐จ๐Ÿ ๐’๐ญ๐š๐ญ๐ข๐ฌ๐ญ๐ข๐œ๐ฌ ๐‘๐จ๐จ๐ฆ ๐Ÿ‘๐ŸŽ๐Ÿ—
nugagawen: ๐š๐ญ๐ญ๐ž๐ง๐ ๐ข๐ฌ ๐ง๐ž๐จ๐ฐ!!

Register Below:
https://tinyurl.com/UPVMath21LE3TutorialReg
https://tinyurl.com/UPVMath21LE3TutorialReg
https://tinyurl.com/UPVMath21LE3TutorialReg

Address

Room 108, School Of Statistics Cor. T. M. Kalaw Street
Quezon City

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 8am - 5:30pm
Wednesday 8am - 5:30pm
Thursday 8am - 5:30pm
Friday 8am - 5:30pm
Saturday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP Variates posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to UP Variates:

Shortcuts

Share