Ang Totoong Buhay Sa Diyos

Ang Totoong Buhay Sa Diyos Mga mensahe mula sa True Life In God messages ay pinahayag ng Panginoon sa sangkatauhan sa pamamagitan ni Ginang Vassula Ryden.

Ang mga mensahe ay tumatawag sa muling paalab ng pagmamahal sa Diyos at pagkakaisang muli ng mga kristyano.

✟ 𝔗𝔦𝔫𝔞𝔭𝔞𝔶 𝔫𝔤 𝔅𝔲𝔥𝔞𝔶    Mayo 13, 2026Miyerkules sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay📖 UNANG PAGBASA      Mga Gawa 17:...
13/05/2026

✟ 𝔗𝔦𝔫𝔞𝔭𝔞𝔶 𝔫𝔤 𝔅𝔲𝔥𝔞𝔶
Mayo 13, 2026
Miyerkules sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
📖 UNANG PAGBASA
Mga Gawa 17: 15, 22 – 18: 1
Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol
Noong mga araw na iyon, ang mga naghatid kay Pablo ay sumama sa kanya hanggang sa Atenas. Pagkatapos, nagbalik sila sa Berea, taglay ang bilin ni Pablo kina Silas at Timoteo na sumunod sa lalong madaling panahon. At si Pablo ay tumayo sa harap ng kapulungan ng Areopago at nagsalita, “Mga taga-Atenas, napapansin kong buhos na buhos ang inyong kalooban sa relihiyon. Sapagkat sa paglalakad ko sa lungsod at pagmamasid sa mga sambahan ninyo, nakakita ako ng isang dambanang may nakasulat na ganito: ‘Sa Diyos na hindi nakikilala.’ Ang inyong sinasamba kahit hindi ninyo kilala ang siya kong ipinapahayag sa inyo. Ang Diyos na gumawa ng sanlibutan at ng lahat ng naroroon ang siyang Panginoon ng langit at lupa, kaya’t hindi siya tumatahan sa mga templong ginawa ng tao. Hindi sa siya’y nangangailangan ng anuman kaya siya pinaglilingkuran ng tao; sapagkat siya ang nagbibigay ng buhay, hininga, at ng lahat ng bagay sa sangkatauhan. Mula sa isa’y nilikha niya ang lahat ng lahi sa balat ng lupa. Itinakda niya ang kanya-kanyang panahon at hangganan. Ginawa niya ito upang hanapin nila ang Diyos, baka sakaling sa kanilang pag-aapuhap ay matagpuan siya. Ang totoo, hindi naman siya malayo sa bawat isa sa atin; sapagkat
‘Hawak niya ang ating buhay, pagkilos at pagkatao.’
Tulad ng sinabi ng ilan sa inyong mga makata,
‘Tayo nga’y mga anak niya.’
Yamang tayo’y mga anak ng Diyos, huwag nating akalain na siya ay tulad ng larawang ginto, pilak, o bato na pawang likha ng isip at kamay ng tao. Mahabang panahong di pinansin ng Diyos ang di pagkakilala sa kanya ng tao, ngunit ngayo’y iniuutos niya na magsisi sila’t talikdan ang kanilang masamang pamumuhay. Sapagkat itinakda na niya ang araw ng paghuhukom sa sanlibutan at ito’y buong katarungan niyang gagawin sa pamamagitan ng kanyang hinirang. Pinatunayan niya ito sa lahat, nang buhayin niyang muli ang taong iyon!”
Nang marinig nila ang sinabi ni Pablo tungkol sa muling pagkabuhay, tinuya siya ng ilan ngunit sinabi naman ng iba, “Ibig namin kayong mapakinggan uli tungkol dito.” At umalis doon si Pablo. May ilang sumama sa kanya at sumampalataya sa Diyos; kabilang dito si Dionisio na isa sa mga bumubuo ng kapulungan ng Areopago. May sumama ring babaing nag-ngangalang Damaris, at mga iba pa.
Pagkatapos, umalis si Pablo sa Atenas at nagtungo sa Corinto.
Ang Salita ng Diyos.
📖 SALMONG TUGUNAN
Salmo 148: 1-2, 11-12ab, 12k-14a, 14bkd
Tugon: Ang kadakilaan ng D’yos
sa lupa’t langit ay lubos.
Purihin ang Diyos, nitong kalangitan,
kayo sa itaas siya’y papurihan.
Ang lahat ng anghel, magpuri’t magdiwang,
kasama ang hukbo roong karamihan!
Pupurihin siya ng lahat ng tao,
hari at prinsipe, lahat ng pangulo,
babae’t lalaki, mga kabataan,
matatandang tao’t kaliit-liitan.
Sa ngalan ng P**n lahat ay magpuri,
ang kanyang pangala’y pinakamaigi;
sa langit at lupa’y walang kasimbuti.
Siya’ng nagpalakas sa sariling bansa,
kaya pinupuri ng piniling madla,
ang bayang Israel, mahal niyang lubha!
📖 MABUTING BALITA
Juan 16: 12-15
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Marami pa akong sasabihin sa inyo, ngunit hindi pa ninyo kayang unawain ngayon. Pagdating ng Espiritu ng katotohanan, tutulungan niya kayo upang maunawaan ninyo ang buong katotohanan. Sapagkat magsasalita siya hindi sa ganang kanyang sarili; sasabihin niya sa inyo ang kanyang narinig, at ipapahayag ang mga bagay na darating. Pararangalan niya ako, sapagkat sa aking magmumula ang ipapahayag niya sa inyo. Ang lahat ng sa Ama ay akin; kaya ko sinabing sa akin magmumula ang ipapahayag niya sa inyo.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

✟ 𝔗𝔦𝔫𝔞𝔭𝔞𝔶 𝔫𝔤 𝔅𝔲𝔥𝔞𝔶    Mayo 11, 2026Lunes, Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay📖 UNANG PAGBASA      Mga Gawa 16,...
11/05/2026

✟ 𝔗𝔦𝔫𝔞𝔭𝔞𝔶 𝔫𝔤 𝔅𝔲𝔥𝔞𝔶
Mayo 11, 2026

Lunes, Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

📖 UNANG PAGBASA
Mga Gawa 16, 11-15

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Mula sa Troas, tuluy-tuloy kaming naglayag patungong Samotracia, at kinabukasa’y sa Neapolis. Mula roo’y nagtungo kami sa Filipos, isang kolonyang Romano at pangunahing lungsod sa dakong iyon ng Macedonia. Nanatili kami roon ng ilang araw. At nang Araw na Pamamahinga, lumabas kami ng lungsod at nagpunta sa tabing-ilog, sa isang pook na inakala naming dakong panalanginan ng mga Judio. Naupo kami at nakipag-usap sa mga babaing nagkakatipon doon. Kabilang dito ang isang nagngangalang Lydia, taga-Tiatira at mangangalakal ng mga telang purpura. Siya’y may takot sa Diyos. Binuksan ng Panginoon ang kanyang isip at siya’y naniwala sa ipinangangaral ni Pablo. Nagpabinyag siya, at ang mga kasambahay niya. Pagkatapos, sinabi niya, “Kung itinuturing po ninyo akong tapat na lingkod ng Panginoon, doon na kayo tumuloy sa amin.” Mahigpit ang kanyang anyaya kaya’t hindi namin napahindian.

Ang Salita ng Diyos.

📖 SALMONG TUGUNAN
Salmo 149: 1-2, 3-4, 5-6a at 9b

Tugon: Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.

Ang Panginoo’y purihin, awitan ng bagong awit,
purihin sa pagtitipon ng tapat sa pananalig.
Magalak ka, O Israel, dahilan sa Manlilikha;
dahilan sa iyong hari, ikaw Sion ay matuwa.

Purihin sa pagsasayaw, purihin ang kanyang ngalan;
alpa’t tambol ay tugtugin at siya ay papurihan.
Panginoo’y nagagalak sa kanyang mga hirang.
Sa nangagpapakumbaba’y tagumpay ang ibibigay.

Sa tagumpay na natamo, magalak ang mga hirang.
Sa kanilang pagpipista ay magsaya’t mag-awitan.
Sa pagpuri sa Panginoon, ay bayaang magsigawan.
Ang tatanggap ng tagumpay, ay ang kanyang mga hirang.

📖 MABUTING BALITA
Juan 15: 26 – 16: 4a

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ngunit ang Patnubay, ang Espiritu ng Katotohanan, ang paparito mula sa Ama. Susuguin ko siya sa inyo buhat sa Ama, at siya ang magpapatotoo tungkol sa akin. At magpapatotoo rin kayo tungkol sa akin, sapagkat sa pasimula pa’y kasama ko na kayo.

“Sinasabi ko ito sa inyo upang huwag kayong mawalan ng pananalig sa akin. Palalayasin nila kayo sa mga sinagoga. Darating ang panahon na ang sinumang pumatay sa inyo ay mag-aakalang naglilingkod siya sa Diyos. At gagawin nila ito sapagkat hindi nila ako nakikilala ni ang Ama. Ito’y sinasabi ko sa inyo upang, pagdating ng oras na gawin nila, maalaala ninyong ipinagpauna ko na ito sa inyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mensahe Mula Kay Jesus sa pamamagitan ni Vassula Ryden“naparito Ako upang bigyan kayo ng Pag-asa; naparito Ako upang big...
11/05/2026

Mensahe Mula Kay Jesus sa pamamagitan ni Vassula Ryden

“naparito Ako upang bigyan kayo ng Pag-asa; naparito Ako upang bigyan kayo ng Liwanag; naparito Ako hindi upang hatulan kayo, kundi upang gisingin kayo, Aking mga anak, at upang ipakita sa inyo ang Aking Banal na Puso at Siya na nakatayo sa harap ninyo;

kayo ay Akin, bagaman hindi lahat sa inyo ay Akin, dahil inuuna ng ilan sa inyo ang karangalan mula sa mga tao kaysa sa karangalang nagmumula sa Diyos; kaya sinasabi Ko sa inyo nang may taimtim; tanggapin ninyo ang Aking Banal na Espiritu ngayon ... tanggapin ninyo ang Aking Banal na Espiritu ngayon ... tanggapin ninyo ang Aking Banal na Espiritu ngayon ... (TLIG 01.22.90) Ang Banal na Espiritu ay hindi nakikita, ngunit ang bunga ng Espiritu ay nakikita (Gal 5:22). Kaya sinasabi sa atin ni Hesus na maghanap ng mabubuting bunga upang malaman kung ang isang tao ay nakatanggap na ng Espiritu o hindi (Mateo 7:16-20). “.

“makinig ka sa Akin, iyong Diyos, na Siyang nag-aalok sa iyo ng Aking Kamay ngayon at na Siyang yumuyuko nang lubusan sa iyo upang iangat ka mula sa alabok at gawing banal ka sa Aking Puso;”

MGA PANG-ARAW-ARAW NA PAGBASA SA MISA na Mula sa
Biblia at MGA
SANTO at
Totoong BUHAY SA DIYOS

10/02/2026

My Heart is inflamed with love for all mankind and the more they will advance reading Me the more sanctifying graces will I be pouring on them, to draw them deeper into the flames of My Heart; – I am infinitely rich in grace and I want to draw them into this Heart, this Heart that delights to be with the sons and daughters of men

Jesus - True Life In God

21/11/2024

Please join us for an ecumenical prayer meeting live, online, to celebrate the 39th anniversary of TLIG, and to pray in memory of Vassula Ryden, on Sunday, Nov 24th, (see times on image). We will also pray a multilingual Rosary of all 4 sets of mysteries. Go to: TLIG.org/live

21/11/2024

This coming Sunday, November 24, is CHRIST THE KING SUNDAY. It’s also the last Sunday in the Church’s Liturgical Calendar. Sa huli, si KRISTO PA RIN ANG HARI! ❤️❤️❤️

All you holy men and women, pray for us
01/11/2024

All you holy men and women, pray for us

Music by John Becker.

Catechism of the Catholic Church (ccc) #202. Jesus himself affirms that God is “the one Lord” whom you must love “with a...
01/11/2024

Catechism of the Catholic Church (ccc)

#202. Jesus himself affirms that God is “the one Lord” whom you must love “with all your heart, and with all your soul, and with all your mind, and with all your strength”. At the same time Jesus gives us to understand that he himself is “the Lord”. To confess that Jesus is Lord is distinctive of Christian faith. This is not contrary to belief in the One God. Nor does believing in the Holy Spirit as “Lord and giver of life” introduce any division into the One God:
We firmly believe and confess without reservation that there is only one true God, eternal infinite (immensus) and unchangeable, incomprehensible, almighty and ineffable, the Father and the Son and the Holy Spirit; three persons indeed, but one essence, substance or nature entirely simple.

29/10/2024

LET HOLINESS WIN THIS HALLOWEEN

The choice is yours this Halloween: will you align yourself with darkness and negativity, or will you embrace the path of goodness and purity? Your support can either perpetuate harmful practices or foster an atmosphere of kindness and light. Consider how your decisions this season reflect your values and impact those around you. Choose wisely and let your actions resonate with the spirit of holiness.

Address

Scout De Guia Quezon City
Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Totoong Buhay Sa Diyos posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share