23/02/2024
GABAY SA PAG LOGIN SA DOK ALTERNATIBO LOYALTY PRIVILEGE CARD PORTAL
Kamusta, mga Ka. Alternatibo Exciting ang araw na 'to dahil ituturo natin kung paano mag-login sa Dok Alternatibo Loyalty Privilege Card Portal. Tara, simulan na natin!
Unang hakbang, siguruhing mayroon kayong internet connection at access sa isang computer o smartphone. Makakatulong ito para mas mapadali ang proseso. Pagkatapos, buksan ang inyong paboritong web browser at ilagay ang website ng Dok Alternatibo ang dokalternatibo.com. Narito na tayo sa official website ng Dok Alternatibo Member's Portal. Sa bandang ibaba makikita niyo ang chat icon na kung saan pwedi kayong mag send ng inyong mga katanungan, gaya halimbawa kung paano mag log-in sa Members Portal. Balik tayo sa ating official website e type ang 16 digit membership I.D card number na makikita ninyo sa inyong Loyalty card. Kapag matagumpay e-enter ang inyong login credentials, i-click ang "submit" button. Hintayin na may matanggap na text message sa iyong registered mobile number. Upang magpatuloy, e-enter ang One-Time Password (OTP). At ngayon, narito na tayo sa iyong personal na Dok Alternatibo Loyalty Privilege Card Membership Portal. Makikita mo dito ang mga exclusive na benepisyo at promos para sa mga loyal na miyembro ng Dok Alternatibo.