22/11/2025
I TOLD YOU!
DATING PNP CHIEF ROMMEL MARBIL, DEPENSA SA MARCOS ADMINISTRATION!
"HINDI LAHAT NG GUMAGAMIT ADIK"
Sa gitna ng patuloy na batikos at panawagang pabagsakin ang administrasyong Marcos, naglabas ng matapang na pahayag si dating PNP Chief Rommel Marbil upang ipagtanggol si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban sa mga alegasyon tungkol sa umano’y paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Ani Marbil, hindi dapat agad huhusgahan ang isang tao batay lamang sa paratang, lalo na’t may mga pagkakataong ginagamit ito ng ilan hindi bilang bisyo, kundi upang makayanan ang matinding puyat at pagod sa trabaho.
“Hindi ibig sabihin na nag-take ka ng dr^gs ay adik ka na. Yung iba, ginagamit lang nila ito para manatiling gising dahil mahaba ang oras ng trabaho nila,” ani Marbil. Binanggit din niya na ang mga batikos laban sa Pangulo ay kadalasang walang basehan at may halong pulitika. Sa halip na pagbagsakin ang liderato, dapat daw suportahan ng publiko ang mga programa ng administrasyon na nakatuon sa kaayusan at reporma.
Nilinaw ng dating PNP Chief na hindi ito pagtatanggol sa paggamit ng dr0ga, kundi paalala na dapat may sapat na ebidensya bago humusga. Sa panahon ng intriga at alegasyon, pinaalalahanan ni Marbil ang lahat na ang tunay na kailangan ng bansa ay pagkakaisa, pag-unawa, at suporta sa reporma, hindi paninira at sisihan.