12/08/2026
🚨 PANAWAGAN NG BIKTIMA NG HIT-AND-RUN 🚨
Lumapit sa Drivers Association of the Philippines Initiative Group Inc. (DAPIGI) si Mary Joy Demoral Cabalida, 38 taong gulang at residente ng Santo Niño, Jerome, Davao City, upang humingi ng tulong matapos umano siyang mabiktima ng hit-and-run.
Ayon sa kanyang salaysay, bandang 9:00 ng gabi noong Agosto 10, 2026, naglalakad siya pauwi nang masagi umano ng isang delivery van.
Tumilapon siya sa kalsada at tumama ang kanyang ulo. Sa halip na huminto at tumulong, nagpatuloy umano sa pagmamaneho ang driver.
Mabuti na lamang at may mga taong nasa paligid na agad na umalalay kay Mary Joy. Nagtamo siya ng pinsala sa ulo dahil sa insidente.
Sa tulong ng kapulisan at CCTV footage, natukoy umano ang plaka ng delivery van MBE-2802. Tutulungan ng DAPIGI si Mary Joy sa pagpapalagay ng alarm sa LTO laban sa sasakyang sangkot, alinsunod sa tamang proseso.
Nagbigay rin ang DAPIGI ng grocery items at cash assistance kay Mary Joy. Ilang araw na siyang hindi nakakapasok sa trabaho dahil sa kanyang kalagayan. Mayroon siyang limang anak na binubuhay, habang ang kanyang asawa ay nagtatrabaho bilang tricycle driver.
Nakikiusap si Mary Joy sa driver ng delivery van na makipag-ugnayan at tumulong sa kanyang pagpapagamot. Maaari siyang tawagan sa:
📱 0927 618 6418
Sa mga nais magbigay ng tulong, maaaring direktang magpadala sa GCash account ng kanyang pinsan na si:
Rhea Mae Demoral
📱 0927 618 6418
Ang anumang tulong ay malaking bagay para sa kanyang pagpapagamot at pang-araw-araw na pagkain ng kanyang pamilya.
Pinaaalalahanan ng DAPIGI ang lahat ng motorista na laging mag-ingat sa pagmamaneho. Kapag nasangkot sa isang aksidente, huminto, tumulong sa biktima, at harapin ang inyong pananagutan.
Huwag takasan ang obligasyon. Ang buhay at kaligtasan ng bawat tao ay mahalaga.
Road Safety Is a Shared Responsibility.