10/07/2026
π ππ πππππ ππππππππ ππ πππππππ, πππππππππ ππ ππππππ πππππππππππππ ππππ ππ ππππππππππ
TULUNAN, NORTH COTABATO β Anim (6) na miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang pormal na nagbalik-loob sa pamahalaan noong Hunyo 18, 2026, matapos silang iharap ng 39th Infantry "Smashβem" Battalion sa pamumuno ni Lt. Col. Hector A Estolas PA, Commanding Officer, sa lokal na pamahalaan ng Tulunan.
Ang aktibidad na idinaos sa Tanggapan ng Mayor ay pinangunahan nina Lt. Col. Estolas PA, at 1LT Lester S. Depot PA ng Charlie Company, kung saan opisyal nilang iprinisinta ang mga sumuko kay Mayor Lee Roy V. Villasor sa Municipal Mayorβs Office. Kasabay ng kanilang pagbabalik-loob, kusang-loob ding isinuko ng isa sa kanila ang isang (1) kalibre .38 na revolver bilang simbolo ng tuluyang pagtalikod sa armadong pakikibaka at pagpili sa landas ng kapayapaan.
Naging katuwang din sa aktibidad ang Office of the Municipal Agriculturist (OMAG) at ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) upang saksihan ang pag-abot ng paunang tulong sa mga benepisyaryo. Bilang bahagi ng kanilang bahagi ng kanilang panibagong buhay, sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP), tumanggap ang anim (6) na Friend Rescued (FR) ng mga sako ng bigas, food packs, at mga tulong-pangkabuhayan tulad ng agricultural seedlings, liquid inorganic fertilizer, at hybrid corn seeds upang matulungan silang magkaroon ng marangal at matatag na kabuhayan.
Pinuri naman ni Lt. Col. Estolas PA, ang naging pasya at katapangan ng mga sumuko na talikuran ang karahasan at armadong pakikibaka. Muling nanawagan sa mga natitira pang kasapi ng kilusan na magbalik-loob sa pamahalaan upang mabigyan ng panibagong pagkakataon upang makapagsimula ulit at mamuhay ng mapayapa sa tulong ng programang pangkaunlaran at pangkapayapaan ng gobyerno.
READ: https://tinyurl.com/bdd8n878