25/03/2026
๐๐ฎ๐ง๐๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ค๐๐ฌ ๐๐ญ ๐๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ข๐ฌ๐: ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ฒ๐ฆ, ๐๐จ๐ซ๐ฆ๐๐ฅ ๐ง๐๐ง๐ ๐๐ง๐ข๐ฅ๐ฎ๐ง๐ฌ๐๐!โ
Pormal nang binuksan ang bagong gymnasium ng Jesus J. Soriano National High School noong ika-17 ng Marso, 2026 sa ginanap na makabuluhang seremonya na dinaluhan ng mga g**o, mag-aaral, opisyal ng paaralan, at mga panauhing pandangal. Ang nasabing pasilidad ay inaasahang magsisilbing sentro ng mga gawaing pampalakasan, pangkultura, at iba pang mahahalagang programa ng paaralan.
Nagsimula ang programa sa isang panalangin at pagbabasbas sa bagong gusali bilang pasasalamat at paghingi ng patnubay para sa maayos at ligtas na paggamit ng pasilidad. Sinundan ito ng pagputol ng laso na hudyat ng opisyal na pagbubukas ng gymnasium.
Ipinahayag din ng pamunuan ng paaralan ang pasasalamat sa mga taong naging katuwang sa pagsasakatuparan ng proyektong ito. Ang pagtatayo ng gymnasium ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng mga opisyal ng paaralan, mga g**o, at ng komunidad.
โAng bagong gymnasium ay magsisilbing lugar kung saan mahuhubog ang kakayahan, disiplina, at pakikipagtulungan ng mga kabataan sa ibaโt ibang larangan,โ Emy B. Goc-ong, punong-g**o ng Jesus J. Soriano National High School.
Lubos na ikinatuwa ng mga mag-aaral ang pagbubukas ng bagong gymnasium. Ayon kay FG Inceรฑales, SSLG President ng Jesus J. Soriano National High School, malaking tulong ang bagong gymnasium upang higit na malinang ng mga mag-aaral ang kanilang talento at magkaroon ng mas komportableng lugar para sa kanilang mga aktibidad.
Malaki ang magiging ambag ng bagong pasilidad sa pagpapaunlad ng talento ng mga mag-aaral sa larangan ng palakasan at sining. Sa pamamagitan nito, magkakaroon na sila ng mas maayos at ligtas na lugar para sa kanilang pagsasanay at mga programa ng paaralan.
Bukod sa mga gawaing pampalakasan, magsisilbi rin ang gymnasium bilang lugar para sa mga pagtitipon, programa, at iba pang mahahalagang gawain ng paaralan. Inaasahan na magiging sentro ito ng pagkakaisa at pakikipag-ugnayan ng buong komunidad ng paaralan.
Ang bagong gymnasium ng Jesus J. Soriano National High School ay simbolo ng patuloy na pag-unlad at dedikasyon ng paaralan sa pagbibigay ng dekalidad na edukasyon at mga pasilidad na makatutulong sa paghubog ng kabataan.
Sa kabuuan, ang pagbubukas ng gymnasium ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas masigla at aktibong komunidad ng paaralan. Inaasahan na ito ay magsisilbing inspirasyon sa mga mag-aaral upang ipagpatuloy ang kanilang paglinang ng talento at kakayahan para sa kanilang kinabukasan
โ๏ธ:Niรฑa