07/03/2026
Fire Prevention Month 2026
"Sa Pag-Iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa"
FIRE PREVENTION MONTH 2026
Ngayong buwan ng Marso, nakikiisa ang Office of the Vice President (OVP) sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month bilang pagpapalakas ng kamalayan at pagkilos ng bawat Pilipino laban sa panganib na dala ng sunog.
Bitbit ang mensaheng, “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa,” ipinapaalala na ang ating kaligtasan ay hindi lamang tungkulin ng mga bombero at ng mga awtoridad—ito ay panawagan sa bawat tahanan, paaralan, opisina, at komunidad na maging mas maingat, mas handa, at mapagmatyag.
Sa panahon ng tag-init kung kailan mas tumataas ang insidente ng sunog, mahalagang:
✅ Regular na suriin ang mga kable at electrical connections.
✅ Iwasan ang pag-o-overload ng saksakan at paggamit ng depektibong appliances.
✅ Itabi nang maayos ang mga madaling magliyab na materyales.
✅ Turuan ang bawat miyembro ng pamilya ng tamang fire safety at evacuation plan.
✅ Alamin ang mga emergency hotline at pinakamalapit na fire station.
Ang tunay na pagiging handa ay hindi lamang sa oras ng trahedya, kundi sa maagap na pag-iwas dito.