28/09/2026
๐๐๐๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐๐ง๐ข๐ฅ
Sa mga kanayunan, hindi pantay ang akses ng masa sa serbisyong pangkalusugan. Maraming komunidad ang malayo sa maayos na pasilidad, kapos sa kagamitan at gamot, at kulang sa mga health worker na maaaring tumugon sa kanilang pangangailangan. Sa kabila nito, patuloy ang paglilingkod ng mga manggagamot ng bayan upang paglingkuran at alagaan ang sambayanan kapalit ng pasasalamat na hindi natutumbasan ng pera.
Ngunit sa gitna ng panawagan para sa mas aksesible at batayang serbisyong pangkalusugan, sinusupil at pinatatahimik ang mga kumikilos para sa kanilang mga karapatan. Sa harap ng ganitong kalagayan, tumatayong street medics ang mga health worker upang hindi lamang magbigay ng agarang lunas, kundi makiisa na din sa mga pagkilos para sa karapatan sa kalusugan at kalayaan. Mula sa loob ng komunidad hanggang sa lansangan, hindi hiwalay ang kanilang paglilingkod sa pakikibaka ng masa.
Kayaโt sa mundong nararapat, isang tunay na makamasa at makatarungang sistemang pangkalusugan ang kailangan kung saan walang pasyenteng maiiwan dahil lamang sa kahirapan, at walang health worker na kailangang magsakripisyo nang walang sapat na suporta, proteksiyon, at makatarungang kalagayan sa paggawa.
Sapagkat ang kalusugan ay karapatan, hindi pribilehiyo โ at karapatang dapat tinatamasa ng lahat, hindi ipinagkakait sa iilan.
๐ฆ๐๐ฅ๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ฃ๐๐ง ๐๐๐ข๐ง ๐๐๐ฌ๐! ๐๐จ๐ก๐ ๐ฃ๐จ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ง๐ ๐ก๐ข๐ช! ๐๐๐๐จ๐ฆ๐จ๐๐๐ก, ๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ก!
๐๐ฎ๐ฉ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ๐ญ๐ก๐ ๐๐๐ ๐๐ฌ๐ค๐จ๐ค๐ ๐๐ฒ ๐๐จ๐ฅ๐ฅ๐จ๐ฐ๐ข๐ง๐ ๐ญ๐ก๐๐ฌ๐ ๐๐๐ฌ๐ฒ ๐ฌ๐ญ๐๐ฉ๐ฌ
๐. ๐ ๐๐ข๐ค๐ ๐๐ง๐ ๐๐จ๐ฅ๐ฅ๐จ๐ฐ ๐จ๐ฎ๐ซ ๐
๐๐๐๐๐จ๐จ๐ค ๐ฉ๐๐ ๐
๐. ๐ ๐๐ข๐ค๐/๐ฅ๐จ๐ฏ๐/๐ซ๐๐๐๐ญ ๐ญ๐จ ๐ฒ๐จ๐ฎ๐ซ ๐๐๐ฏ๐จ๐ซ๐ข๐ญ๐ ๐๐ฌ๐ค๐จ๐ค๐โ๐ฌ ๐ข๐ง๐๐ข๐ฏ๐ข๐๐ฎ๐๐ฅ ๐๐ง๐ ๐๐จ๐ฎ๐ฉ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ก๐จ๐ญ๐ฌ
๐. ๐ ๐๐ก๐๐ซ๐ ๐ญ๐ก๐ข๐ฌ ๐ฉ๐จ๐ฌ๐ญ
๐๐ก๐ ๐ฉ๐ก๐จ๐ญ๐จ๐ฌ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐ญ๐ก๐ ๐ฆ๐จ๐ฌ๐ญ ๐๐จ๐ฆ๐๐ข๐ง๐๐ ๐ซ๐๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐ข๐ง ๐๐ฅ๐ฅ ๐จ๐ ๐จ๐ฎ๐ซ ๐ฌ๐จ๐๐ข๐๐ฅ ๐ฆ๐๐๐ข๐ ๐๐๐๐จ๐ฎ๐ง๐ญ๐ฌ ๐ฐ๐ข๐ฅ๐ฅ ๐ก๐๐ฏ๐ ๐ ๐๐ก๐๐ง๐๐ ๐ญ๐จ ๐ฐ๐ข๐ง ๐ญ๐ก๐ข๐ฌ ๐ฒ๐๐๐ซโ๐ฌ '๐๐๐จ๐ฉ๐ฅ๐โ๐ฌ ๐๐ก๐จ๐ข๐๐ ๐๐ฐ๐๐ซ๐.' ๐๐จ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฌ ๐จ๐ง๐ฅ๐ฒ ๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ฅ ๐๐๐ญ๐จ๐๐๐ซ ๐, ๐๐๐๐ ๐๐ญ ๐๐:๐๐๐๐. ๐๐จ๐งโ๐ญ ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฌ ๐จ๐ฎ๐ญ!
๐ท ๐๐ฅ๐๐ฑ๐ข๐ฌ ๐๐๐๐๐๐ฅ ๐๐๐ฅ๐จ๐ฅ๐
๐ก ๐๐๐ฉ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ง๐ ๐๐จ๐ง๐๐๐ฉ๐ญ ๐๐ฒ ๐๐๐