31/08/2026
Ang Davao City Police Office ay buong pusong nakikiisa sa buong bansa sa paggunita ng National Heroes Day 2026.
Ngayong araw, ating binibigyang-pugay at parangal ang mga dakilang bayani na buong tapang na nagsakripisyo para sa kalayaan, kapayapaan, at kinabukasan ng ating minamahal na bayan.
Ang kanilang katapangan, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan ay patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa bawat kawani ng PNP na maglingkod nang may integridad, malasakit, at dedikasyon para sa mamamayang Pilipino.
Saludo kami sa lahat ng ating mga bayani noon, ngayon, at sa bawat Pilipinong patuloy na naglilingkod para sa bayan.
โ
โ
โ
โ