23/08/2026
🚨 FAKE NEWS ALERT! 🚨
Kumakalat na naman sa social media na walang natanggap na pondo ang Davao sa loob ng apat na taon at inaangkin lang ng administrasyon ang mga proyekto. Totoo ba?
Para linawin ang mga ganyang klase ng fake news, narito ang tunay na estado ng budget ayon sa opisyal na datos:
1. Patuloy na nakatatanggap ng malaking pondo ang Region XI (Davao Region) sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP) dahil isa ito sa mga pangunahing economic hub sa Mindanao. Kasama dito ang Davao City.
2. Ayon sa opisyal na ulat ng Philippine Information Agency (PIA), malaki ang naging share ng Mindanao, partikular ang Davao at nananatiling matatag ang budget standing ng rehiyon.
3. Davao City ang syudad na may pinakamalaking national tax allotment for 2026, 15% higher than 2025 allocation nito. For 2026, nakatanggap ito ng PHP10.1 Billion. Mas mataas sa nakuha ng Quezon City (PHP9.82 Billion) at Manila (PHP 6.09 Billion).
Never nawalan ng allocation ang Davao City.
Kaya ito ang nakakapagtaka. Kung sinasabi ng mga Dabawenyo, kasama na ang Mayor at Congressman nito na wala daw pondo sa Davao, e'di saan napunta ang pondo ng Davao?? 👀 Ayon sa National Government, binigyan ng pondo ang Davao City at malaki ang pondi nito.
Pero bakit sinasabi ng mayor at congressman na wala? Saan nila dinala ang pondo ng syudad?
Huwag magpalinlang! Ugaliing mag-check muna ng balita sa mga lehitimong ahensya ng gobyerno.