20/09/2026
KABATAN-UNANG DABAWENYO, BATUKAN ANG KORAPSYON UG PASISMO! MAKIGBISOG PARA SA EDUKASYON UG TAWHANONG-KATUNGOD! US-MARCOS UG DUTERTE, PANUBAGON!
54 na taon na ang nakalipas nang ipataw ni Ferdinand Marcos Sr. ang Batas Militar—isang madilim na yugto ng kasaysayan na nag-iwan ng napakaraming kaso ng malulubhang paglabag sa karapatang pantao at pagdurusa ng mamamayang Pilipino, lalong-lalo na ng kababaihang anakpawis.
Makalipas ang 54 na taon, patuloy pa rin ang kahirapan, pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dulot ng Value-Added Tax o VAT, panunupil sa ating mga demokratikong karapatan, at tahasang pag-atake sa mga aktibista at kritiko sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr. Bilang kabataang kababaihan, bagama’t patuloy tayong humaharap sa karahasan, diskriminasyon, at pagsasamantala, nararapat lamang na patuloy tayong lumaban—sapagkat hangga’t hindi napuputol ang mga tanikala ng pang-aapi sa kababaihan, hindi rin tunay na magiging malaya ang ating lipunan.
Ngayong September 21, sumama sa ating mobilisasyon sa Freedom Park, Roxas Avenue, alas-1 ng hapon. Magsuot ng BLACK at bitbitin ang inyong mga panawagan laban sa korapsyon at pasismo!
Kabataang kababaihan, makiisa sa kolektibong laban sa korapsyon at pasismo! Sama-sama tayong manawagan: Marcos, singilin! Duterte, panagutin! ✊✨
𝟱𝟰𝗧𝗛 𝗠𝗔𝗥𝗧𝗜𝗔𝗟 𝗟𝗔𝗪 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗘𝗠𝗢𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡
📅 𝗦𝗲𝘁𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟮𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝟭:𝟬𝟬 𝗣𝗠
📍 𝗙𝗿𝗲𝗲𝗱𝗼𝗺 𝗣𝗮𝗿𝗸, 𝗥𝗼𝘅𝗮𝘀 𝗔𝘃𝗲𝗻𝘂𝗲
Abante, babae! Palaban, militante! Sulong, GABRIELA, lumaban at makibaka! ✊🏽💜