29/06/2024
thanks Jollibee no discrimination
Isang magandang umaga sa lahat. Gusto ko lang ibahagi ang isang karanasan ko sa Jollibee Shopwise sa Sucat. Nangyari ito bandang alas-diyes ng umaga. Gutom na gutom at uhaw na uhaw na ako, kaya nagdesisyon akong dumaan sa drive-thru ng Jollibee.
Pagkatapos kong umorder, pinapunta ako ng crew sa parking area para doon ihatid ang aking order. Habang naghihintay, napansin kong medyo matagal na ako sa aking sasakyan—halos labinlimang minuto na at wala pa rin ang aking pagkain. Napansin ko ang isang crew na pabalik-balik na parang may hinahanap. Akala ko iyon na ang aking order kaya binusinahan ko siya ng tatlong beses, medyo malakas pa.
Ngunit tila hindi niya ako naririnig kaya lalo akong nainis. Sumigaw na ako, pero wala pa rin siyang reaksyon. Lalong uminit ang ulo ko, pero nang tumingin siya sa akin at kinawayan ko siya, agad siyang lumapit. Doon ko nalaman na p**i pala siya. Ipinakita niya sa akin ang kanyang ID na may nakalagay na PWD (Persons with Disability).
Bigla akong nahimasmasan at ang galit ko ay napalitan ng pagkamangha. Sa kabila ng kanyang kapansanan, nagagawa niyang magtrabaho ng normal. Bigla akong napahanga sa kanya at nainspire. Isang malaking saludo ang binigay ko sa kanya. Naisip ko, kung siya na may kapansanan ay nagagawang magtrabaho, tayo pa kayang mga kumpleto at walang kapansanan?
Hindi ko na nakuha ang pangalan ni kuya, pero sa pagkakataong iyon, parang nawala ang gutom ko. Sana lahat ng kumpanya, tulad ng Jollibee sa Sucat, ay magbigay ng pagkakataon sa mga PWD na makapagtrabaho. Saludo ako sa iyo, kuya. Sana marami ka pang ma-inspire na katulad ko.
Mabuhay ka!
📷HeartCasto ©️MindsetPost
*Note* The Photo provided is not the actual photo. Just telling the experienced.* Thank you for understanding. 🙏