09/01/2023
Magandang umaga mga Ka-village. Sa mga magulang na may anak na nasa 10 taong gulang o Grade IV. Ang ating Simbahan, ang Parokya ng Mahal na Birhen ng Fatima ay tumatanggap na ng mga bata para sa Sakramento ng Unang Kumpisal at Banal na Komunyon. Mangyari po lamang na ihanda Ang kanilanG photocopy ng baptismal certificate at makipag ugnayan lamang Kay ate Dona Lara Paclibar ng B4A Lot6, Irvine Street at Kay ate Thess Bartolome ng B1A Lot11, Ivory St. Pakisulat ang inyong contact number at complete address sa likod ng baptismal cert.
Ang sumusunod ay schedule ng katesismo para sa mga bata.
Jan. 21 - 2:00PM - 4:00PM.
Jan. 22 - 2:00PM - 4:00PM.
Feb. 4 - 2:00PM - 4:00PM
Feb 9 - 8:00AM - 8:30-Seminar ng mga magulang
8:00AM -11:00AM.-Review and practice ng mga 1st communicants
Feb 10 _ Pangungumpisal
Feb 11 _ First Communion