25/06/2026
https://www.facebook.com/100064569016648/posts/1457491466413140/
Hinihikayat ng Bureau of Plant Industry (DA-BPI) ang publiko na isabuhay ang masustansyang pagkain sa pamamagitan ng tamang balanse, variety, at moderation sa bawat pagkain. 🥗🥦
Isinusulong ng kawanihan ang paggamit ng Pinggang Pinoy bilang gabay sa wastong paghahati ng pagkain, alinsunod sa itinakdang proporsyon ng go, grow, at glow foods, upang mapanatili ang tamang nutrisyon sa araw-araw. 🍽️✨
Kaya naman, patuloy ang DA-BPI sa pagsuporta sa mga lokal na magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng direktang pagkuha ng mga produktong agrikultural, alinsunod sa Sagip Saka Act (RA 11321), at sa pagpapatibay ng produksyon at pagtiyak sa kaligtasan ng pagkain mula sa bukid hanggang hapag. 👨🌾👩🌾🌾
Dagdag pa rito, hinihikayat din ang pagtangkilik sa mga lokal at ligtas na produkto mula sa lokal, PhilGAP-certified, at organic farms. Sa ganitong paraan, ang availability ng sariwa, ligtas, at dekalidad na pagkain para sa bawat Pilipino ay patuloy na pinapalakas. Ipinapatupad ito sa iba’t ibang opisyal na gawain, tulad ng mga meeting, training, at iba pang aktibidad.
(062326 – 61)