24/05/2026
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฏ๐๐ฏ๐๐ธ๐น๐ผ๐ฑ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐บ๐๐บ๐๐ป๐ผ
โ
โ๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก (2/2): Ang mga larawan ay kuha mula sa makabuluhang naganap na pagbubuklod, o team building ng mga Lider Kabataan, mula sa iba't- ibang ministeryo ng Parokya na ginanap sa St. Paul College, Dasmariรฑas noong ika- 23 ng Mayo.
โ
โ
โAng makabuluhang ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฏ๐๐ฏ๐๐ธ๐น๐ผ๐ฑ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป mula sa ibaโt ibang ministeryo ng Parokya ay nilahukan ng dalawampu't pito o 27 kalahok, na nagtipon upang higit pang palalimin ang ugnayan, pakikipagkaisa, at pamumuno sa paglilingkod.
โ
โMatagumpay na nairaos ang aktibidad sa gabay ng ating Kura Paroko,Rev. Fr. King Eleazar V. Peรฑaranda, kasama ang mga tagapamuno ng programa na sina Bro. Lenmark Tayo, at ang dalawang Punong Layko Ministro ng Kabataan na sina Bro. Clive Marco at Bro. Joshua Mar T. Bugas. Sa kanilang pamumuno, naging makabuluhan ang bawat bahagi ng pagtitipon na nagbigay inspirasyon sa mga kabataan at lider ng ministeryo.
โ
โLubos ang pasasalamat ng Parokya sa St. Paul College Admin sa kanilang taos-pusong pagtugon at pagpapaunlak na gamitin ang kanilang paaralan bilang venue ng pagbubuklod. Gayundin, ipinapaabot ang pasasalamat sa mga magulang ng kabataan sa kanilang suporta, pakikiisa, at pahintulot na makasama ang kanilang mga anak sa ganitong gawain na naglalayong paunlarin pa ang pananampalataya at pamumuno ng kabataan.
โ
โ
โ
โ
โ
โ
โ
โ
โ
โ
โ
โ
โ