08/09/2026
SALINSINING: Paligsahan sa pagguhit o slogan poster-making.
May mga ideyang hindi lamang naipapahayag sa salita. Minsan, kailangan itong iguhit, kulayan, at bigyang-buhay upang mas malinaw na maipakita ang mensaheng nais iparating. Sa SALINSINING, ang bawat guhit, kulay, at disenyo ay nagsisilbing malikhaing paraan upang maipahayag ng mga mag-aaral ang kanilang pananaw at pag-unawa sa tema ng Buwan ng Wika 2026.
Sa kompetisyong ito, ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang pagkamalikhain, kasanayan sa biswal na komunikasyon, at malalim na pag-unawa sa wika, sining, at kultura sa pamamagitan ng pagguhit at slogan poster-making.
PANGUNAHING MEKANIKS
- Ang kompetisyon ay bukas sa mga mag-aaral mula sa iba’t ibang seksyon ng bawat antas ng Junior High School.
- Dalawang (2) kalahok ang kakatawan mula sa bawat seksyon ng bawat antas.
- Sa tulong ng gurong tagapayo, pipiliin ang mga kalahok na kakatawan sa kanilang seksyon.
- Ang kompetisyon ay katumbas ng isang MINI TASK na may limampung (50) puntos para sa mga asignaturang Filipino, Arts, at Araling Panlipunan.
- Kailangang taglay ng mga kalahok ang malinaw, organisado, at masusing pag-unawa sa tema ng Buwan ng Wika 2026: “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.”
- Kailangang maipakita sa likhang-sining ang malikhaing interpretasyon ng tema at pagpapahalaga sa wikang Filipino, sining, at yaman ng impormasyon.
Tunghayan ang natatanging likhang-sining ng ating mga mag-aaral sa patimpalak na SALINSINING, kung saan ang kanilang mga ideya, pananaw, at damdamin ay binigyang-buhay sa pamamagitan ng sining.