22/09/2026
๐น๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐
Sa ngalan ng ating Kura Paroko, Reb. Pd. Geoffrey G. Zacarias, ang buong Parokya ni San Agustin ay nakikiramay sa Pamilya Tolo sa pagpanaw ng isang napakabuting tagapaglingkod ng Simbahan, si Sis Nonette Tolo.
Si Sis. Nonette Tolo ay buong pusong naglingkod sa ating Simbahan, na ipinamalas ang kanyang walang kapantay na dedikasyon, katapatan, at malasakit sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.
Higit pa rito, si Sis. Nonette ay nag silbi bilang Appointed CRC Coordinator at naging bahagi ng ating Parish Pastoral Council sya rin ay naging bahagi ng mga gawain at paglilingkod ng ating Parokya, kung saan buong kababaang-loob niyang ibinahagi ang kanyang panahon, talento, at pananampalataya.
Kasabay ng ating pasasalamat sa kanyang masigasig na paglilingkod, ating idinadalangin ang kanyang kapayapaan sa piling ng Maykapal at ang lakas at kapanatagan ng kanyang naiwang pamilya sa panahong ito ng pagdadalamhati. Patuloy nating isasama si Sis. Nonette at ang kanyang mga mahal sa buhay sa ating mga panalangin. Nawaโy yakapin sila ng Diyos ng Kanyang pag-ibig, awa, at biyaya.
Paalam, Sis. Nonette, at maraming salamat sa iyong tapat at walang pag-iimbot na paglilingkod sa Diyos at sa Simbahan.
Kapayapaan kailanman ang igawad ng Maykapal kay Sis Nonette Tolo.
Siya nawa ay silayan ng Ilaw ng Walang Hanggan at mapanatag nawa siya sa Kapayapaan.
AMEN!