28/06/2026
"Ang Pagpapabango ng Babae sa Labas ng Bahay"
تعطر المرأة خارج بيتها
📍MABIGAT NA KASALANAN (107)
👉🏻Ang anumang uri ng pabango ay ipinapahintulot lamang sa mga kababaehan sa loob ng kanilang mga tahanan para sa kanilang asawa, at ang kanilang pagpapabango sa labas ng bahay kahit na ito'y sa pahintulot ng asawa ay napakabigat na kasalanan.
Sinabi ng Propeta (saw):
"أيُّما امرأةٍ استعطرتْ ثُمَّ خَرَجَتْ، فمرَّتْ علَى قومٍ ليجِدُوا ريَحها فهِيَ زانيةٌ." رواه النسائي وحسنه الألباني.
👉🏻"Sinumang babae ang magpabango pagkatapos ay lumabas ng bahay at dumaan sa mga tao upang kanilang malanghap ang kanyang amoy ay para na ring nag-Zina (nangalunya)."[Isinalaysay ni An-Nasaie].
👉🏻Kanya pang sinabi:
"أيُّما امرأةٍ تطيَّبت، ثمَّ خرَجت إلى المسجِدِ، لم تُقبَلْ لَها صلاةٌ حتَّى تغتسِلَ." رواه ابن ماجه وصححه الألباني.
👉🏻"Sinuman ang babaeng nagpabango, pagkatapos ay lumabas upang magtungo sa Masjid ay hinding hindi tatanggapin ang kanyang dasal hangga't hindi naliligo." [Isinalaysay ni Ibn Majah].
📙Ang Hadith na ito ang nagpapatibay sa Hadith na nagmula kay Abu Hurayrah (ra) na may kahinaan sa pagkakasalaysay, mayroon daw nakasalubong si Abu Hurayrah (ra) na isang babaeng nangangamoy ang kanyang pabango kaya siya ay :
-tinanong ni Abu Hurayrah: O babaeng alipin ng Allah, saan ka patungo? Kanyang sinabi: Sa Masjid upang magdasal.
-Sabi ni Abu Hurayrah: At nagpabango ka?
Sabi niya ay: Oo.
Sabi ni Abu Hurayrah: Bumalik ka at maligo! Sapagkat aking narinig ang Propeta (saw) na kanyang sinasabi: "Sinuman ang babaeng nagpabango at pumunta sa Masjid ay hinding hindi tatanggapin ng Allah ang kanyang dasal hanggat hindi bumabalik at naliligo."
Ganito katindi ang kasalanang ito, hindi tatanggapin ng Allah ang kanyang dasal sa Masjid hangga't hindi niya tinatanggal ang kanyang pabango, at bukod pa roon ay para na rin siyang nag-Zina o gumawa ng pangangalunya!
✍🏼Shaykh Muhd-ata Abdulkarim
(Hafidhahullah)