11/08/2026
NIA ROAD SOLAR LIGHTS INSTALLATION!
Sa patuloy na pagganap sa Solar Streetlight Installation Project ng ating masipag na KAP. RYAN A. SARIMOS kasama si KONS. ENRICO DITAUNON na sya namang Head ng Infrastructure ng ating Brgy. ay nabigyang katotohanan ang hiling ng kanyang mga nasasakupan sa baybayin ng NIA Road.
Sa tulong ng iba pa nyang mga konsehal na sina KONS. CONSTANCIO BAUTISTA, KONS. DONATO SANGRIA, KONS. GEMMALYN AGUSTIN at ng mga masisipag na empleyado ng ating Brgy. ay nabigyang liwanag nila ang daan at natanggal ang mga nabubulok na mga sanga ng mga naglalakihang puno para na din sa kaligtasan ng mga mamamayan. Tunay na isang Responsableng pagseSerbisyo mula sa pamunuan ng ating Brgy.